chapter. 11

270 31 7
                                    

"Vee calm down okay? Mabubuhay ang Mom mo" Pagpapakalma sa akin ni Dad at Oheb dahil hindi ako makahinga ng maayos.

Andito din si Danerie.

"Dad, S-si M-mom. Hindi si Mom yan!" Pagpupumiglas ko sa hawak nya sa akin sabay takbo papalabas ng building. Sinubukan akong habulin nito ngunit huli na ang lahat.

Nalaman kong nasa coma ang Mom ko dahil may bumangga sa kanya, at ngayon ko lang nalaman. Ilang buwan na ang nakalipas simula nung nawala sya, ngayon lang sinabi sa akin ni Dad. They kept it as a secret.

Pumunta kami kanina sa Ospital kung saan sya naka-confine. And Sabi ng Doktor ay nasa kritekal na kalagayan sya.

Pag hindi sya magising ngayon o sa darating na ilang araw, maaaring hindi na kayanin ng katawan nya ang mga monitor at machines na nakakapit dito.

Sa pagtakbo ko ay hindi ko namalayan na may isang sasakyan ang papunta sa direksyon ko.

"VEE! SASAKYAN!" Sigaw ng isang pamilyar na boses sa akin. Tumingin ako sa kaliwa ko at may isang pick-up truck ang sasalubong sa akin.

Sa ilang segundo ay tumigil ang mundo ko, nanigas ako sa lugar kung saan ako nakatayo.

At sa ilang segundo na iyon ay aking ipinikit ang aking mga mata at bumagsak ang buo kong katawan.

"VEE!" Sigaw ng isang boses, pilit kong ibinubukas ang aking mga mata, Ngunit hindi nito kaya.

"Vee, C'mon. Imulat mo lang yang Mata mo please" Bago pa man ako mawalan ng paningin ay napatingin ako sa lalaking hawak-hawak ang katawan ko at punong-puno ng dugo ito.

"Wise..." Hawak ko sa mukha nya bago mawalan ng malay.

....................

"TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA PLEASE" sigaw ko, Nagsimula ng magtraffic kung saan nabangga si Vee, ngunit wala akong pakialam.

"Please, Bring an ambulance sa Esme St. We badly needed it" Ani ni Oheb na unti-unting lumuluha.

Ang dad naman ni Vee ay nakatulala, iniisip nya pa kung ano ang nangyayari.

"Oheb, Pasabi pakibilisan. Ung Dugo nya mabilis umagos" Pagmamakaawa ko.

'hindi ka pa pede mawala Vee. Please' Bulong ko sa kanya. Hindi ako ung tipo ng tao na umiiyak, ngunit si Vee to.

Ilang minuto na hawak ko ang katawan nya ay dumating din ang Ambulansya.

"Sir, Please. Bitawan nyo po ung Pasyente. Samahan nyo nalang po sya" Pagpupumilit sa akin ng isang rescuer na alsin ang aking yakap kay Vee.

Kaagad naman akong kumalas at sumakay sa Van kasama ang ibang rescuer na inilalagay ang Oxygen sa ilong ni Vee.

"Please, Iligtas nyo po sya" Tumango naman ang mga ito.

"CPR" Habang ginagawa ang CPR kay Vee ay tumawag sa akin si Dad.

'I don't fucking care about you right now' bulong ko sa sarili ko sa laki ng galit ko sa kanya.

"May Heartbeat pa akong naririnig. Ituloy nyo" As they proceeded to do the CPR again.

"Lagyan nyo sya ng Oxygen. Nahinga na ulit sya" Malapit na kami sa Ospital.

"Sir, ibababa na po namin sya". Sabay bukas ang Van at nagtulungan silang ibaba ang katawan ni Vee na punong-puno ng sugat, pasa at dugo" Susundan ko sana sila sa ICU ngunit pinigilan na ako ng isang doktor.

"I'm sorry pero hanggang dyan nalang po kayo" sabay takbo papunta kung saan dinala ang katawan ni Vee.

"Tito-" Bigla naman akong sinuntok ng ama ni Vee.

Peculiar Souls (Veewise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon