Chapter. 17

108 10 1
                                    

Contains: heavy swearing

"For now umaayos na ang condition ng Pasyente. Tamang tingin nalang kayo, and bantayan nyo sya. In case na baka may mangyari" ani ng Doctor habang chinecheck ang pulse rate ni Vee.

"We never knew kung kailan sya magigising. Pero i assure you both na gigising sya. Especially nagpapakita na sya ng vitals na ayos na ang pagfunction ng brain nya sa katawan nya" Tatlong buwan. Tatlong buwan na kaming andito sa ospital. Amoy alcohol, dugo, luha, na minsa'y hindi ko maiwasang mag-alala.

Halinghinan kami ni Tito alagaan si Vee. Paminsan-minsan nama'y dinadalaw sya ng mga kaibigan nya. Kaya nakakapagpahinga kaming dalawa ni Tito.

Si Dad? Actually hindi ko na alam. Hanggang ngayon nagtatago parin ako, papasok ng ospital na balot ang katawan kahit ang init-init sa labas.

Mahirap pala magdisguise. Naiiyak nalang ako ng sobra kase patong-patong palagi ang suot ko.

Malayo ang ospital ni Vee. Inilipat sya sa overseas. America.

Nakakapagsalita naman ang Papa nya ng Ingles kaya walang kahirap-hirap magkipagcommunicate.

Buti nalang at marunong Magtagalog ang Doktor. Edi hindi duduguin ilong ko dito, half-half kasi ung doctor eh.

"Wanna eat something Dan? I'll buy you, alam kong gutom ka na" Tanong ni tito sakin, Tulog ang kailangan ko tito. Joke.

"Kahit ano nalang po Tito" bandang alas-syete na ng umaga, means breakfast na dito sa America. Miss ko na din ung lutong bahay sa Pinas. Pano ba naman puro salad, mac and cheese, manok, manok, manok.

Minsan nama'y jollibee kaya nabubuhayan ako ng dugo.

Makalipas ang 30 minuto ay bumalik si Tito na may dalang plastic.

"Iho, maaari bang maglapag ka ng pinggan?? Ako na bahala maghanda nito" Tumango ako at inihanda ang mga pinggan pati narin kutsara at baso.

"Alam kong miss mo na ang Lutong Bahay. Eto nagdala ako ng Kare-kare at sinigang" lumiwanag ang mga ilaw sa mata ko, kakasabi ko lang mukhang hulog ng langit si tito.

Btw, back to Vee. Miss ko na sya, kahit nakikita ko ay iba parin ang pakiramdam na nakakasalamuha at nakakausap mo sya. Ngunit ang katahimikan lagi pag kasama ko si Vee ay komportable.

Nagsimula na kami kumain, hanggang sa...

"Pa? Danerie?" PUTANGINA???? Naibuga ko ang nginunguya ko kay tito.

"Ay naknam-" nanlaki ang mata ko, at nagpasensya.

Tumakbo ako kay Vee, habang si Tito ay tumawag ng doktor.

Maamos ang mukha ko, ngunit wala lang to para sakin. Ang mahalaga gising na sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 26, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Peculiar Souls (Veewise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon