08

53 1 0
                                    

Katatapos lang ng klase ni Yeji and now she's infront of Yeonjun's school. She didn't bring her car with her dahil hindi makakauwi si Karina kung gagamitin niya ito. So Karina doesn't have any choice kundi magdrive pauwi.

Nakatayo lang si Yeji sa tapat ng unibersidad at nagdadalawang isip pumasok kaya pinagtitinginan na siya ng mga estudyanteng naglalabasan na. At this time may training pa din si Yeonjun kaya she's sure na nasa loob pa ito.

Gustong gusto na talaga niyang ayusin yung problema nila kaya hindi niya ito titigilang puntahan ng puntahan hanggang sa magkaayos sila.

While standing outside she felt her phone vibrated from her pocket. Karina is calling.

PHONE CALL

"Sis anong oras ka makakauwi? Kararating ko lang dito sa unit pero bored na bored na agad ako," reklamo ni Karina sa kabilang linya. Halata sa boses nito ang pagkainip

"Saglit lang ako, uuwi din ako agad,"

"San ka ba kasi pumunta? Talagang pinagdrive mo pa ako pauwi pasalamat ka at buhay pa ko jusko. You know how much I hate driving,"

Napailing na lang si Yeji sa ka-ao-yan ng kaibigan niya.

"Tanga hindi na kakamatay ang pagdadrive unless tatanga tanga ka. Andito ako sa mall may bibilhin lang ako," pagsisinungaling nito. Alam niyang 'pag sinabi niya ang totoo ay pipigilan siya nito kitain ang nobyo niya.

"Sa mall ka lang pala pupunta hindi mo pa ako sinama,"

"Nako edi natagalan lang ako lalo. Kita mong pagnakakapunta ka ng mall bago ka makapili ng damit, nasukat mo na lahat ni isa wala ka paring napipili,"

"Girl ganun talaga! Para kang hindi babae,"

"Babae ako pero hindi naman ako ganun katagal mamili. Sige na, maya na lang,"

"sige sige, ingat ka ha. Mag uwi ka narin ng dinner sabay tayo kain hehehe,"

"oo na sige na, I'll see you later"

"Okeh bye!"

PHONE CALL ENDED

Pinatay na ni Yeji ang telepono at binalik ito sa bulsa niya. She decided na pumasok na sa loob. Taking a deep breath before she went in.

Dumaretso na siya sa basketball gym ng school. Some students are smiling and greeting her as she make her way to the gym. Since Yeji used to compete on various academic contest medyo kilala na siya pati sa ibang unibersidad.

As she reach the gym she saw Soobin outside, one of Yeonjun's teammate.

"Uy Yeji, long time no see," bati nito dito.

"Oo nga eh, busy kasi sa school ngayun," she said.

"Ahh I heard nga na malapit na foundation week niyo. Can we go there ba?"

"Oo naman, just tell me 'pag pupunta kayo para maassist ko kayo," Yeji said.

"Yown, si Yeonjun ba pinunta mo?" Yeji nods.

"Tara nasa loob siya," Yeji smiled as she follow Soobin enter the gym.

Parang nakapahinga muna sila since wala masyadong naglalaro sa gitna at kinakausap din ng coach nila yung ibang players.

"Yeonjun!" Soobin shouted to call the latter's attention. Yeonjun is talking to one of her teammate ng tawagin niya ito.

Yeji smiled at her boyfriend ng makita siya nito but her boyfriend doesn't seem so happy.

Break Your Walls || Ryeji AUWhere stories live. Discover now