19

57 3 0
                                    

"Ano na Ryu? Ano na balak mo?" nakangising tanong ni Winter kay Ryujin habang papabalik sila sa loob ng bahay nila Heejin matapos ihatid ang mga kaibigan ni Yeji sa labas.

Sa bahay kasi ni Heejin nila napagdesisyunan na magcelebrate. They bought some can of beers and barbeque to grill.

Maagang umuwi sila Yeji dahil ayaw nilang pagudin ng sobra si Yeji dahil kalalabas lang nito ng ospital. Nag-iingat lang sila dahil baka mapwersa agad ang katawan nito at bumalik nanaman sila ng ospital ng wala sa oras. Kapag nangyari yun yare pa sila sa kuya at lalo na sa nanay ni Yeji.

"Ha? Anong balak?" Tanong nito pabalik kay Winter na may hawak hawak paring lata ng beer.

"Napaka hina talaga neto eh," inis na sabi ni Winter.

"Ano ba kasi yun gago ka,"

"Wala na sila Yeji diba? Wala kang balak?" 

Napagkwentuhan kasi nila kanina yung nangyaring ensidente nung nakaraan at napaliwanag narin ni Yeji bakit ito nagawa ng dati niyang kasintahan.

"Kahihiwalay lang nila Win. I'm sure hindi pa nakakamove on si Yeji don sa Yeonjun na yun," Ryujin said.

Inaamin niya na after ng nangyari ngayung araw ay may unti unti na siyang nabubuong pagtingin kay Yeji pero bilang respeto dahil kahihiwalay lang nito sa nobyo niya hindi pa sumasagi sa isip niya ang manligaw. Saka hindi pa naman siya sigurado sa nararamdaman niya sa dalaga.

"Kaya ka nga manliligaw eh,"

"Ahh basta ayoko. Saka may Sofie ako,"

Nakabalik na sila sa likod bahay nila Heejin kung nasan ang mga kaibigan nila na patuloy pa din sa pag-iinom habang nag jajamming.

"Oh bat ganiyan mukha nan?" natatawang sabi ni Hyunjin kay Ryujin ng makabalik ang dalawang magkaibigan.

"Wala mahina yang bata niyo. Torpe pa," Pang-aasar ni Winter dito sabay upo sa tabi ni Yuna.

"Ay wow coming from you Winter Kim. Ikaw nga panay bakod kay Karina sa mga manliligaw niya eh ikaw nga mismo hindi pa nanligaw," pangbabara naman ni Ryujin kay Winter kaya naghiyawan ang mga kaibigan nila.

"You like Queen? HAHAHAHA," tanong ni Heej.

"Queen?" takang tanong naman ni Yuna. Nagtatakang napatingin din si Ryujin at Winter dito dahil hindi nila alam kung sino ang tinutukoy nito, except on Chaeryeong.

"Uhm Karina," awkward na sagot ni Heejin dito. "So you like Karina nga?"

Winter nods at her as an answer.

"Lah? Kelan pa?" gulat ng tanong ni Chaeryeong dahil wala naman itong nababanggit sakanila.

Kahit halata naman na nila na may gusto ito kay Karina pero never pa kasing inamin ni Winter sa mga kaibigan niya yung nararamdaman niya dito kaya hindi muna nila koni-consider.

"The first time I saw her," Winter said na parang kumikinang pa ang mata habang inaalala yung unang pagkikita nila.

"Pota ka, kadiri!" Yuna said sabay batok kay Winter

"Parehas lang naman pala kayong torpe, ang aarte niyo," singit ni Yujin sa mga to at tumango naman sila Yuna.

"Oh bat ako nadamay diyan? May jowa ako–"

"Nako Ryu tigilan mo nga," pagpuputol ni Yuna dito.

"Jowa?" Jiheon curiously asks.

Ryujin's friends look at her asking permission if they can tell their new friends her deceased girlfriend story.

Break Your Walls || Ryeji AUWhere stories live. Discover now