"FELICE... siya ang nanay mo."
Helena. My mother's name. And she's right here in front of me... crying and begging for me to be with her.
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maging reaksyon ko. Kung ano ba ang dapat kong maramdaman dahil naghalo-halo na iyon. Pero hindi ko maiwasang makaramdam ng pait at poot.
Bakit ngayon pa? Bakit niya ginugulo ang buhay ko?
I was determined to live now like what I've promised my father. Aling Aya and Raya gave me hope and better perspective about this world and this life.
"F-Felice, anak..." namamaos na sinabi ni Aling Aya. "Sige na. Lapitan mo na ang ina mo."
Umiling-iling ako at napayakap nang mahigpit sakanya. Ayoko. Ayoko sakanya!
"Felice," may pagbabanta na sa boses niya. Mas lalo akong napaiyak sabay iling muli.
Humagulhol silang dalawa ni Raya. This is the first time they saw me like this. Hopeless. They have never saw me cried, or beg like this before. I have always been cold but warm at heart. Pero sakanila lang. Malamig at maiwas ako sa iba.
"A-Anak..." the woman called me again.
Kinakilabutan ako sa bawat pagtawag niya ng ganoon. Hindi ko alam kung gusto ko ba o hindi. Basta ang alam ko lang, hindi ako handang makausap at harapin siya.
Fate's never really considerate of me and my feelings.
Oras din ang lumipas bago kaming lahat nahimasmasan. Nakauwi na pala kami sa bahay. Nag-uusap si Aling Aya at... iyong ina ko... sa loob. Narito naman kami ni Raya nakaupo sa labas.
"Bakit ayaw mong harapin ang mama mo?" malungkot niyang sabi.
Hinarap ko siya. Ready to answer nang may bumara sa lalamunan ko. Sa totoo lang, hindi ko pa kailanman nasabi sakanila ni Aling Aya ang lahat. Nasabi ko lang ang tungkol sa pagkamatay ng tatay ko, kung paano ako nakarating rito dahil pinalayas ako nung Lolo ko–yes, I also told them I lied at first. Naintindihan naman nila dahil hindi raw madali ang pinagdaanan ko. At iyon lang. Hindi ko na sinabi ang tungkol sa Fireasthrielle at kung bakit kailangan kong pumunta roon.
"My father's family believed that it was because of her dad that my father was assassinated..."
Nagulat siya sa sinabi ko. Nagpatuloy ako.
"The truth is, I don't know, Raya. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman para sakanya. Kung maniniwala ba ako o hindi. She was never been there. It was always been me and my Papa. I wanted to blame her because of my father's death. Atsaka, bakit siya laging wala nun? I needed a mother, kahit hindi ko man ito maamin."
Hinawakan niya ang aking kamay. "But she is here now, Felice. Para sa'yo. And I think that's what matters the most. If you really want to know the whole truth, then talk to her."
"Hindi madali iyang sinasabi mo, Raya. Hindi madaling magtiwala..." At natatakot ako sa sagot niya. Sa katotohanan.
Gusto ko sanang idagdag iyon. Sometimes, I feel like truths are better to be locked up and kept away. Lalo na kung masasaktan ka ng lubos nito. 'Yung pakiramdam mong hindi ka na makakaahon sa sakit dahil sa nalaman mo? Ayokong mangyari iyon sa akin.
She sighed and tried to light up the atmosphere. "Drama mo, Felice. 'Di ako sanay. Atsaka, ang haba nung mga sinabi mo, babae ka! End of the world na ba?"
"Baliw..." sabi ko at mahinang natawa. Nanlaki ang mga mata niya.
"Oh my mage! End of the world na talaga!"
BINABASA MO ANG
That Ice Girl
Fantasy[PREQUEL of Between Fire and Ice] Status: ONGOING A journey in finding out the truth against the lies, secrets, and chaos. How darkness invaded the World of Magic... and how That Ice Girl conquers it all.