Chapter 3: Voiceless

58 5 0
                                    



"WHAT are you trying to do, Felice?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang tanungin iyon ni Hero. Malamig pa sa yelo iyong boses niya at kahit 'di naman niya ako sinigawan, para sa akin ay dumadagundong na iyon.

Napayuko ako. Wala naman akong binabalak, ah? I just wanted to be alone.

"Answer me," he groaned again.

"W-Wala naman..." sabay bawi ko sa aking braso. Namumula na iyon mula sa pagkakahawak niya.

Hindi ka pa ba nasanay, Felice? Just like Hermione, he doesn't like me—he hates me, too. He looks at me suspiciously all the time. At kahit hindi niya pa ako kinompronta, alam ko na sa mga titig niya palang ay may pagdududa talaga siya sa akin.

"Stay away from him."

"Bakit?"

Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Hero. I bit my lip.

Damn, Felice. Why are you curious all of a sudden? Sundin mo nalang iyong sinabi niya para wala ng gulo!

Ready na akong pagbuntongan ng galit niya pero hindi iyon dumating. Lucky me. Nakahinga ako ng maluwag. Sa halip, hinila niya lang ako papasok sa mansiyon. Pero nang marating kami sa bulwagan ay nagulat ako nang makitang nag-aabang roon ang buong pamilya... including the King Darius and Queen Adelia!

Namutla ako. Am I in trouble? What are they doing here? Aren't they supposed to be in the ballroom?

"Felice! Saan ka nanggaling?"

Si Herald na hinahabol ang kanyang hininga. Tinakbo niya kasi ang espasyo sa pagitan namin.

"I told you na babalikan kita. I was hell worried!"

"Pasensya na..." tanging nasabi ko nang niyakap niya ako.

"Tsk. Apology accepted. Next time huwag mo nang gawin iyon. Magpaalam ka, Felice."

Napatango ako. "Pasensya na talaga. Hindi na mauulit."

"Ayos ka lang ba, Felice?" si Adelle kasama si Liarea.

Nag-aalala rin ang kanilang mga mukha kaya tinanguan ko silang dalawa at bahagyang nginitian para sabihing ayos lang ako.

"Where have you been?"

"M-Mama..."

"Hindi ikaw ang tinatanong ko, Helena."

Napakurap-kurap ako. It was Queen Adelia asking Hero... or me? Hindi ako sigurado. Her gaze wants to kill me, kahit kalmado lang ang postura niya. Sa tabi niya ay ang Hari, kalmado din at tahimik. Hindi ko nga lang matukoy kung anong pinapakitang emosiyon, kung iritado ba o walang pakialam sa akin. Nevertheless, he looked ruthless just like what the Madame said. Manang-mana sakanya si Hero.

"Nagpapahangin lang kami, Lola. There's nothing to worry about. Herald was just overreacting."

Gulat akong napatingin kay Hero. Bakit siya nagsisinungaling?

"Really, bro? Fuck you."

"Language, Herald."

"Dude! Hindi niyo man lang ako hinintay—oh!"

Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Adelina screamed his name and hurriedly went to him.

"Ares!"

"Hi, baby." ngisi niya at hinalikan sa noo si Adelle.

I was thankful that he came. Everyone's attention diverted to him. Lalo na iyong reyna, kitang-kita ko ang pagbago ng ekspresyon niya. From being angry to very happy. Real quick.

That Ice GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon