A/N: Felice in the media above. :)
***
BUMYAHE kami patungo sa Fireasthrielle matapos ang gabing iyon. Tandang-tanda ko pa 'yung abot langit kong kaba. Buti nalang talaga at 'di kami tuluyang nakarating roon dahil may dadaanan pa raw si Madame Helena sa bayan ng Hesperus.
I was amazed when we entered Hesperus. Totoo nga iyong mga sabi-sabi, this town is the life of the party... of all any other towns. The people here have their own ways, both their lifestyles and attitudes. Buhay na buhay rito at sa tingin ko pa, hinding-hindi natutulog ang bayang ito. There's this fascinating lights, the people and their enthusiasm-may nagsasayawan at nagtutugtogan pa sa lalim ng gabi ngayon.
Isa rin sa napansin ko ay ang estado ng buhay sa lahat ng narito. Luxurious. Aristocrats or a member of a noble family. I wonder how they treat poor mages like me.
Pinili ni Madame Helena na tumuloy kami sa isang bahay-panuluyan na nasa tuktok ng burol. She noticed I was in love with the lights. I was quite embarrassed.
"It's okay, anak. You're still young..." aniya.
Nagitla ako nang mapagtantong nasa tabi ko na pala siya rito sa azotea. Pinagmasdan niya ang kalangitan.
"You know what? Sa tuwing nakikita ko ang mga bituin, naaalala ko ang papa mo..."
Here she goes again. Ayokong pagusapan namin ang tungkol sa aking ama. Baka may hindi magandang masabi na naman ako sakanya. That last time, I kinda felt guilty. Hindi ko na dapat pa sinabi ang mga iyon.
"He used to tell me he wants to be born as a star in his next life. He was always... always so in love with it."
"Mahirap abutin ang mga bituin," wala sa sarili kong sinabi. Bumaling siya sa akin at ngumiti.
"Oo nga. 'Yun din ang sinabi ko sakanya. Pero ang sagot niya rin sa akin ay posible, kung maniniwala ka..."
Natahimik ako. My heart hurt. My father has always been a dreamer, despite his cold demeanor.
I was thankful when Madame Helena did not opened up our last time conversation. The next morning, naghihintay kami sa isang cafe dahil may ime-meet raw'ng mahalagang personalidad ang Madame. Mag-iiba sana ako ng table dahil ayokong ipahiya si Madame sa kikitain niya ngayon pero 'di siya pumayag. Kahit kasama ko naman ang kanyang assistant na si Marie.
"Gayatri..."
"Queen Helena," pormal na bati nito at bahagyang napayuko para magbigay galang.
She's a tall and sophisticated-looking woman, and I also think magka-edad lang sila ni Madame Helena. She also looks high-fashioned with her sleeveless button down dress, brown trench coat, kitten heel, and pearl accessories all over.
"And who's this?" lingon niya sa akin.
She looks strict with that arched brows. Medyo natatakot ako sa presensya niya.
"She's my daughter. Felice is her name..."
She smirked and we sat down. "Hmm. I see. She is a spitting image of his father."
Napayuko ako. I get that a lot. Pero paano kaya niya nakilala ang papa ko?
"Felice, this is Gayatri, my best friend. Siya rin ang Headmistress sa Magia Academy. You'll study there next year."
Bahagyang namilog ang aking mata. Really? I'm between scared and excited. I have never been into school.
Nagusap sila sa mga bagay na 'di ko maintindihan. Buti naman at pinayagan kaming gumala lang sa malapitan ni Madame. Masayang kasama si Marie dahil madaldal at maraming kuwento, kahit 'di ako palasalita.
BINABASA MO ANG
That Ice Girl
Fantasy[PREQUEL of Between Fire and Ice] Status: ONGOING A journey in finding out the truth against the lies, secrets, and chaos. How darkness invaded the World of Magic... and how That Ice Girl conquers it all.