ALL the attention diverted unto us when the boys arrived at our table. Agad namang lumipat sina Levi, Odessa at Liarea sa inuupuan namin ni Welda at Adelle para ibigay ang kabilang long chair na inuupuan nila kanina sa boys.
Ngayon ko lang talaga silang lahat nakita ng malapitan at masasabi kong hindi na nakapagtataka kung bakit ang daming nahuhumaling sakanila. Dagdagan mo pa ang matitipuno’ng katawan nila. Hindi ko na nga makita ang ibang mga estudyante narito dahil natatabunan nila. At si Gray nga lang ang na-iiba sakanila. He’s still growing to be masculine like them.
“ARES! Na-miss kita!”
“I’ve missed you too, baby…”
Matapos magyakapan, sa kabisera umupo si Ares at sa kanan niya ay si Adelina. It was such a reunion that made my heart smile. Ilang buwan rin nangulila si Adelle sakanya. I’ve even seen her cry randomly. She loves him so much, and I think the feeling is all mutual.
“Stop treating me like a baby, Ares. I’m going to be your wife soon!” She pouted. Tinawanan lamang siya nito.
“Dude, ang dami mo na palang dapat bantayan…” he grinned.
“Obviously. He’s the most stressful elemental guardian,” biro din ni Gray na nagpatawa sa lahat. Sinamaan siya ng tingin ni Hero.
Nagsalita bigla si Odessa. “I thought matatagalan pa kayo sa Azarela?”
“Dumating si Ares bigla, e. Kaya napadali…” Axl answered her. He’s the air elemental guardian, by the way.
Odessa only responded with a sweet smile. Halos mapataas ang kilay ko. I cannot believe they are flirting right in front us.
I wonder how these girls met them.
“Hindi na nga pala ako makakasama mamaya, dude. I’ve already made a promise to Levi na may date kami.” Sabi ni Landon, the earth elemental guardian. Halos mapunit na iyong labi ni Levi kaka-ingkit niya.
“Bruha ka. Hindi ka man lang nagsabi? Parang ‘di magpinsan, ah…”
“Sorry na, Liarea. Sa dorm niyo pa rin naman kami uuwi, ‘di ba? Magdadala nalang ako ng foods. Hihi.”
“Tse! Sumbong kita sa mama mo.”
“Please… What do you want?”
Nagpatuloy ang asaran at kwentuhan nila. Tahimik akong napatingin sa lalaking hindi pamilyar sa akin. Katabi niya ngayon si Ice at nag-uusap sila sa ibang topic. Na para bang may sariling mundo sila. He kinda look similar to...
“Pst.”
Napatingin ako kay Liarea nang bigla niyang sinagi ang braso ko. Mahina lang naman iyon at hindi ko alam kung may iba pang nakapansin maliban kay Welda, also weirdly looking at me now. I raised a brow. Anong problema ng dalawang ‘to?
“Umalis na tayo…” mahina niyang sinabi.
“Bakit?”
“Saan? Tara!”
Magkasabay naming sagot ni Welda at nagkatinginan. My forehead creased even more. Kanina pa ‘to talaga at ‘di mapakali. Hindi rin siya sumasali sa usapan, nakakapanibago dahil madalas ‘di maurong ang dila nito.
“May date kasi kami ni Zac, ‘yung kaklase natin kanina sa Ethics?” ngisi niya. Namilog ang mga mata namin.
“Seryoso ka ba? Ni kahit isa wala akong nakilala sa mga naging kaklase natin, ah. Grabe ka, Liarea!”
“Shh… diskarte lang ‘yan. Atsaka, hindi naman ako ang pilit ng pilit, ah?”
“Are you going to do that ‘thing’ with him?”
BINABASA MO ANG
That Ice Girl
Fantasy[PREQUEL of Between Fire and Ice] Status: ONGOING A journey in finding out the truth against the lies, secrets, and chaos. How darkness invaded the World of Magic... and how That Ice Girl conquers it all.