Nag huhugas ng mga baso si Alyssa ng nakita niya ang pagbalik ni KD at Anji mula sa kanilang friendly date sa loob ng Arcade Center. Napansin niya ang bibit na stuffed toy ni Anji at naisip niya na malamang ay galing ito kay KD.
Dali-dali namang sumalubong sa kanila si Samantha upang kamustahin ang naging ganap sa dalawa.
Uyyyy! Ano yan dala mo Anji?
Ate Sam, meet guyguy! Guyguy, meet Ate Sam!
Hi guyguy! Baby niyo ba yan ni KD? Ha, Anji? Kayo talaga ah. Charot!
Pag bibiro nito kay Anji
Ay Ate Sam! Nakuha lang ni KD sa claw machine, binigay niya sakin.
Ang cute naman! Gusto ko rin!
Narinig ni Alyssa ang usapan ni Sam at Anji, kaya naman naka-isip siya ng ideya.
Saaaam! Pwede ba ikaw na tumapos sa hinuhugasan ko?
Sure sizzy! Pero san ka punta? Ayaw mo sabay nalang tayo mag hugas?
Ah eh, I just remembered na may nakalimutan ako sabihin kay Kuya, sasaglit lang ako sa confession room.
Oh, I see. Go sizzy, ako na bahala dito.
- - - - - -
Hi po Kuya! Good evening!
Alyssa, ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?
Uhmm, Kuya, nakita ko po kasi na may dalang stuffed toy si Anji coming from her friendly date with KD sa Arcade Center.
Gusto mo rin ba ng stuffed toy na galing kay KD, Alyssa?
Ay Kuya, hindi po, hindi. Kuya niloloko mo ako eh.
Dahil ba ito sa sinabi ni Samantha na gusto rin niya ng stuffed toy tulad ni guyguy?
Ay si Kuya, pano mo nalaman?
Alyssa
Ay opo Kuya, may mga camera nga po pala. haha!
Alyssa, nakikita ko na nagiging close kayo ni Samantha, na sa tingin ng iba ay baka lumalabis na.
Uhmm, opo Kuya. Nagiging close po kami ni Sam. Pero wala naman po ibig sabihin iyon. Si Sam po kasi naturally clingy, and honestly Kuya ako hindi naman ako showy, pero at times gusto ko rin na nilalambing ako.
Sige Alyssa, pang hahawakan ko ang sinabi mo. Maaari ka na lumabas ng confession room.
Kuya! Hindi ko pa po nasasabi ang request ko.
Mag bubukas ang pinto patungong Arcade Center makalipas ang tatlumpung minuto pagka labas mo rito sa confession room. Matapos rin ang tatlumpung minuto ay mag sisimulang mag sara ang pinto nito, hudyat na kailangan niyo ng lumabas ng Arcade Center.
Thank you po Kuya!
Ay Kuya, last favor po.
Papapasukin ko ang ibang mga housemates sa loob ng kani-kanilang kwarto habang kayo naman ni Samantha ay tatawagin ko sa loob ng confession room.
Ay Kuya, alam na alam na, thank you po!
Good luck sa date niyo ni Samantha, Alyssa.
Haha! Babalitaan ko po kayo Kuya!
- - - - - -
Lumabas na si Alyssa ng confession room at agad hinanap si Sam na nakikipag kwentuhan sa ibang housemates sa living room, laro laro nito si guyguy.
BINABASA MO ANG
SamLy One Shot Fanfics
FanfictionSeries of fanfics about Samantha Bernardo and Alyssa Valdez inside and outside the PBB house.