BACKSEAT

502 20 4
                                    

Eian

What a game!

Tulad ni SamBer, first time ko rin manuod ng volleybal game ni Aly. Sabi nga niya, "nakaka stress pala 'to", totoo naman po talaga po opo! Pero mas na stress yata ako sa pag hampas sakin ni Sam, next time hindi ko na talaga siya tatabihan, or, mag dadala nalang ako ng unan.

Sayang hindi nakasama si Brenda, tingin ko mas enjoy panunuod namin kung nakasama siya. Super fan rin kasi siya ng volleyball, saming lahat siya ang mas makaka appreciate nito.

Bago siya umalis, inihabilin na niya sakin si SamBer at Aly.

"Oh, Baby Shark, ikaw na bahala sa dalawang yan ha. Balitaan mo ako sa mga ganap, protektahan mo sila, mahal na mahal ko yan. Tska ipag drive mo kahit saan si Samantha!"

Eto na nga po, driver na nga ng isang Samantha Bernardo, at ngayon, pati narin ng isang Alyssa Valdez.

Kakatapos lang ng game, at nag kayayaan lumabas para mag celebrate. Sa akin na sumabay ang dalawa, mag kikita kita nalang kami ng ibang housemates at friends ni Aly sa restaurant. Syempre, driver nga ako, kaya naman magkatabi sila pareho sa backseat.

Medyo naninibago ako, ineexpect ko kasi na mag iingay ang dalawang 'to, kwentuhan, kulitan, pero, ang tahimik nila ngayon. Na curious ako, kaya napasilip ako sa rearview mirror para makita kung ano ang ginagawa nila.

Nakasiksik silang dalawa sa isa't isa. Hindi ko man makita ang kanilang mga kamay, pero sa pag kakapwesto ng kanilang braso, sigurado akong magka hawak ang mga ito.

Nakapatong ang baba ni Ly sa balikat ni Sam, nakapikit, pero nakangiti. Habang nakapatong ang ulo ni Sam sa ulunan ni Ly, na parang may ibinubulong pa.

"Beep beeeeeep!"

Hindi ko napansin na naka go na pala sa stop light, masyado akong na focus sa pag silip sa kanilang dalawa. Buti nalang hindi nila napansin, at patuloy parin sila sa kung anumang kanilang ginagawa.

Kailangan ko na mag concentrate sa pag ddrive, pero syempre, marites marites din pag may time, kailangang may mareport kay Brenda.

Sumilip ako muli, hindi na nakapatong ang baba ni Ly kay Sam, gayun din ang ulo ni Sam kay Aly. Ngayon, pasulap sulyap ang mga mata nila sa isa't isa, tila may gustong ipahiwatig, tila ayaw ng mag papigil.

"In 100 meters, turn right."

Teka lang, kakanan muna ako.

Agad ako ulit sumilip pag ka kanan ko ng sasakyan. Hawak ni Sam ang ulo ni Ly, hinahagod hagod ang pisngi nito.

Brenda, bakit ba kailangan mong umuwi pa. Di ko mapigilan pag mamarites ko dito, sana hindi ko ma reveal sa kumu mamaya, o pwede rin naman, 32 Yamashita for car ride reveal. Budol yarn? SamlyFriendshipGoals let's go!

Silip ulit bago dumating sa restaurant, malapit-lapit narin kami. Magkadikit ang kanilang mga ilong, ano yan SamBer, kukunin mo na ba ang pimpol ni Aly?

Nakahawak na si Aly sa pisngi ni Sam, hagip pa ang buhok nito. Nakapikit sila parehas, tila nag hihintayan at nag papakiramdaman kung sino ba ang unang kikilos upang masimulan ang bugso ng damdamin na kanina pa nilang pinipigil.

"You have arrived at your destination."

Humanap na ako ng parking space na medyo patago at ipinarada ko na ang sasakyan. Hindi na ako muling lumingon pa, bumaba na ako at hinayaan nalang naka-on ang makina, diretsong nag lakad papunta sa direksyon ng restaurant.

———

Kuya Eian! Where's Ate Sam and Ate Ly?

Tanong ni Shai

Uhmm, may titingnan lang ata saglit, wag na natin hintayin.

Ohh, okay!

Guys, order na raw kayo sabi ni SamBer! Piliin niyo yung mahal ah, ako na bahala, siya mag babayad niyan mamaya.

END

SamLy One Shot FanficsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon