THE PATCH

229 10 3
                                    

Sam? Gising ka na ba? I'm here na, Sizzy!

Sambit ko habang sinasaraduhan ang pinto ng kanyang condo dito sa BGC. I have the key to her place dahil dito ako nakitulog kagabi at maaga naman akong umalis kanina upang pumunta sa Chili's kasama ang aking CCS family for brunch.

Tinanong ko siya kaninang madaling araw habang nanunuod kami ng Game of Thrones, kung maaari ko bang mahiram muna ang susi ng kanyang condo, dahil panigurado na puyat at late na siya gigising mamaya at baka pagdating ko ay tulog pa siya at maiwan lang akong nakatayo sa labas.

Speaking of Game of Thrones, hindi talaga ako nanunuod ng mga ganitong palabas, alam naman ng lahat na K-Drama ang bet ko na panuorin, pero napapapayag niya akong manuod dahil nangako siya na mamayang gabi ay Descendants of the Sun naman ang papanuorin namin. In fairness, maganda ang GOT, I think mapapadalas ang sleep over ko with Sam para panuorin ang mga hilig niya na palabas, and I hope magustuhan rin niya ang K-Drama mamaya.

Yes Ly! I'm here sa kitchen!

Gising ka na pala Sam, nag luluto ka ba? Nag take out na ako ng food, sabay na tayo kumain!

Ha sizzy? Hindi ka pa ba kumain kasama sila Ella?

Kumain naman Sizzy, pero hindi gaano since nung time na makumpleto kami and dumating yung food eh kailangan ko na umalis. Dadaanan ako ni Josh in a few kaya sabi ko take-out ko nalang yung food.

Oo nga pala, manunuod kayo later ng volleyball right? Si Mimi kasama niyo?

Yes Sizzy, pero she'll meet us nalang raw sa Paco.

Ahh I see, sige Sizzy let's eat na!

Matapos naming kumain ni Sam ay bigla namang tumunog ang phone ko.

Sam, 10mins raw andito na si Josh. Can you wash the dishes na muna? Ako nalang later mag hugas after natin mag dinner

Sure Sizzy, no problem!

Pupunta na sana ako sa banyo para makapag ayos ng bigla akong tinawag ni Sam

Ay sizzy! Bago tayo magkalimutan!

Tumakbo si Sam paakyat ng hagdan na tila may kukuhanin.

I'm baaaaack! Wew! Haha!

May nilabas siya sa isang maliit na paperbag. Tinanggal sa plastic at dali-daling dinikit sa sleeve ng aking damit.

Sizzy, ano 'to? Haha!

Anti-Mosquito Patch!

Ha? Nag off lotion na ako kanina bago ako umalis.

Ay, wait lang pala ulit!

At dali-dali siya ulit umakyat na tila meron na namang kukuhanin. Pagbaba niya ay bitbit ang isang malaking off lotion.

Eto sizzy lagyan kita ulit!

At bigla kong naramdam ang malamig niyang mga kamay sa aking tiyan.

Sizzy, sa abs talaga?

Ha? Oo naman sizzy, ang luwag ng damit mo oh. Onting galaw lumalabas na yang tiyan mo.

Naisip kong biruin si Sam na baka gusto lang niyang hawakan ang aking abs, pero hindi nalang dahil baka itigil pa niya ang pagpapahid rito na hindi ko maitatangging kinakatuwa ko.

Makalipas ang ilang minuto na pagpapahid sa akin ni Sam ng off lotion sa kung saan-saan pang bahagi ng aking katawan na maaaring dapuan ng lamok, ay nakatanggap akong muli ng text kay Josh na nagsasabing nasa baba na siya sa lobby.

Sam, andito na raw si Josh, alis na ako. For sure mauuna akong maka uwi sa 'yo mamaya, kaya I'll keep this key muna.

Sure Ly, no problem. I'll text you later pag pauwi narin ako. Text mo 'ko pag nakarating na kayo dun ah, pag kasama niyo narin si Mimi.

Okay, text me rin pag nasa studio ka na.

Naka baba na ako sa lobby at nakita ko na si Josh nang biglang may tumapik sa likod ko kaya naman napalingon ako agad.

Nakita ko si Sam na naglalakad patalikod papunta sa direksyon ng elevator, nag flying kiss bago dali dali ring sumakay rito.

Si Sam ba yun? May nakalimutan ka ba?

Tanong ni Josh

Wala naman siya inabot eh, tinapik lang ako sa likod.

Sinilip ni Josh ang likod ko sabay tawa.

Hahaha! Baby yarn?

What?

Hinila ko ang tshirt ko at nakita na nakadikit ang isa pang Anti-Mosquito Patch, natawa nalang ako at mahinang sinabi.

Yes, baby niya.

END

—————

Written during Spiker's Turf game where Ly watched with Mimi and Josh, at the same day she had lunch with CCS rin. Nasa notes ko lang pala, di ko na post. 😅

Here's an edited photo with the mosquito patch 😂

Here's an edited photo with the mosquito patch 😂

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SamLy One Shot FanficsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon