Chapter 18

135 4 0
                                    

"Where are we?"

Tanong ko sa kanya habang siya nakapikit at nakasandal ang ulo sa blank tinted window ng sasakyan.

"We're here to meet the mother of my escaped kitten," he suddenly open his eyes and smirk. sending chill down my spine thinking we will not get into this far but ... here we are.

"Don't worry, as I told you before, She's the mom and will be my mom also. I have to give her the utmost respect but..."

He sigh and sit properly then loosen his necktie.

"...I need her hostage for the time being cause I  believe the kitten will not disregard the fact that her mother cat has been caged."

Hindi ako nakasagot at mabilis siyang kumilos pababa ng kotse nang buksan ito ng isa sa mga private security na kasama niya. Bumaba na rin ako from passenger seat at bumungad sa amin ang isang simpleng duplex house.

Sa entrada pa lang ng bahay ay maaliwalas na ang lugar, napapalibutan ito ng iba't-ibang halaman na nakatanim sa paso. Sa itsura ng mga ito ay alagang-alaga sila.

Inilibot ko pa ang paningin at may nakita kaming ginang sa sulok na may dalang tabo at nagdidilig.

Napalingo ako sa kanya nang marinig ko syang bumuntong hininga at nasaksihan ko kung paanong ngumiti siya na akala mo ay miss na miss niya ang ginang. Magaling na actor.

"Tita !"

Malakas na pagtawag niya sa atensyon nito at mabilis napalingon sa amin ang ginang. Bumati sa amin ang matamis niyang ngiti at mabilis na binitawan ang tabo para salubungin siya. Ako naman ay mabagal na naglalakad lang sa likuran.

"Yoongi, anak! Kumusta ka na!"

Parang pinisili ang puso ko sa guilt. Itinuturing syang anak ng ginang na balak niyang gawing hostage.

"Ok lang po Tita! Heto po, minsan busy. Pasensya na po kung ngayon ko lang kayo nadalaw ulit."

Masigla ang tono ni CEO Yoongi. Hindi ko mawari kung part pa ba ito ng acting niya o sincere na siya.

"Tara iho! Pasok ka! Pasok!" paanyaya niya kay Yoongi "Pasok rin kayo ihahanda ko kayo ng miryenda!" masayang panyaya niya samin matapos niya kaming lingunin.

Pumasok kami sa loob at tila at home na naupo si CEO Yoongi sa isang single na sofa at sumunod na rin ako sa loob. Yung dalawang private security ay mas piniling mag-stay sa  labas.

"Teka lang iho! Ikukuha ko lang  kayo ng  juice! Marami akong itatanong sa'yo." Paalam ng ginang at pumunta na siya sa kusina.

Malinis ang bahay at kaunti lang ang kagamitan. May kahoy na tokador kung saan nakapatong ang T.V. May sofa set sa sala at may maliit na center table sa  gitna. Kapansin-pansin din ang ilang frames na nakasabit sa pader.

Mga picture kasama ang anak na si Hoseok.

Ilang sandali ay bumalik ang matanda. May dala siyang Isang pitsel ng orange juice. 2 malinis na baso at isang plato ng sliced bread na  nakalagay sa tray.

"Pasensya na 'nak.  Yan lang ang meron ako. Sana nagpasabi ka para nakapagluto man lang ako," hingi ng paumanhin ng matanda.

"Okay lang tita. Saka mapapagod pa kayo. Kahit ano pang ihain mo, kakainin namin," ngiting tugod niya saka sumulyap sa akin. "Di ba?"

Napatungo na lang ako at mabilis na kumuha ng baso at nilagyan ng juice juice.

"Oo nga pala Iho, may balita ka ba kay Hoseok?  Sinusubukan ko siyang tawagan sa number na ginamit niya nung huling tumawag pero cannot be reach," halata sa mukha ng matanda ang lungkot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stripteaser - J.HS - +18 Tagalog storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon