Ako si Kaloy. Graduating na ako sa college noon ng biglang nagbago ang takbo ng aking buhay. Medyo kilala ako sa aming school dahil sa pagsalisali ko sa mga ibat-ibang activities katulad ng glee club at drama club. Lalo pang lumantad ang kasikatan ko dahil sa aking angking talento sa pagkanta.
Marami akong mga kaibigan, ma-lalake man o babae; palaging may gimik, palaging naiimbitahan sa mga party dahil alam nila na magaling akong kumanta.
Kumakanta din ako sa mga kasalan, kung minsan tatlong kasalan sa isang araw ng sabado kaya may almusal na ako, may pananghalian na at may hapunan pa at ang pinaka-importante sa lahat - binabayaran pa ako.
Hindi alam ng inay ko na isa akong academic scholar dahil nilihim ko ito sa kanya. Sinubukan ko lang naman na mag-apply noong 1st year pa lang at ng pumasa, atkm ginaya ko ang akda ng inay ko at hayon, inenjoy ko ang full scholarship, mula 1st year hanggang sa natapos ko ang kursong Business Management sa isang tanyag na paaralan sa aming bayan.
Naging maayos naman ang takbo ng buhay ko kahit may mga aberya minsan, pero talagang ganyan ang buhay, hindi lahat ng pagkakataon ay puro na lang kasayahan ang nararanasan natin.
Hiwalay ang aking mga magulang, matagal na. Wala pa akong malay noon ng nagpasiya silang tahakin ang magkaibang landas. May ibang pamilya na ang aking ama at ang aking ina naman ay may kinakasamang iba. Hindi sila pareho kasado.
Mahirap man sa simula intindihin ang mga kaganapan ay pilit kong tinanggap ito. Siguro nga, ganito lang talaga, may hiwalayan magaganap kapag hindi na nagmamahalan ang bawat isa. Hindi ko rin alam kung bakit sadyang mapanukso ang tadhana.
Sa bahay ni Sir Ryan...
Sa pagpapatuloy ng aking pagsasalaysay, biglang nagbago ang takbo ng aking buhay ng makilala ko si Gil. Nasa kmalibog 3rd year college si Gil samantalang ako ay itinakda ng magtapos sa taong iyon. Si Gil ay kapatid ng musical instructor namin sa Glee Club na si Sir Ryan.
Nagbuo ng isang singing group si Sir Ryan at napili ako bilang isa sa mga soloista. Walo lang kami at piano lamang ang ginagamit. Magaling magturo si Sir Ryan at dahil dito ay lalo pang nahasa ang aking boses sa pagkanta.
Madalas sa music room ng school namin ang rehearsals at minsan pag hindi pwede dito, doon kami sa bahay ni Sir Ryan. At dito nagtagpo ang landas namin ni Gil.
Minsan, habang may isang oras na kaming nag-eensayo ay biglang dumating si Gil sa bahay ni Sir Ryan. Pinakilala siya sa aming lahat. Ah, diyan lang pala ang bahay nila sa kabila at narinig nya kaming kumakanta kaya naisipan nyang magmasid.
Tuloy ang pagtuturo sa amin ni Sir Ryan at minsan-minsan parang nararamdaman ko na may nakatitig sa akin. Sa paglingon ko kung saan nakaupo si Gil, nakita ko na nginitian nya ako. Ngumiti naman ako at balik sa pagkanta.
Ganun madalas ang mga eksena sa tuwing doon kami sa bahay ni Sir Ryan mag-eensayo at laging nandoon si Gil upang manood.
Lalong napadalas ang pag-eensayo namin kina Sir Ryan dahil papalapit na ang pinaka-unang konsyerto na gaganapin sa school gym. At isang biyernes ng gabi, inabot kami hanggang alas-diyes dahil kailangan naming tapusin ang unang kmalibog bahagi ng konsiyerto na may labing-limang kanta at apat doon ay meron akong mahaba-habang solo parts. Pagod kaming lahat ng matapos ito at unti-unti na kaming nagpapaalam para umuwi. Medyo ako ang nahuli dahil tinulungan ko pa si Sir Ryan iligpit ang mga piyesa ng mga kanta at pagligpit din ng mga kalat na naiwan.
![](https://img.wattpad.com/cover/299973196-288-k458124.jpg)