Barista : Rigortiz

1K 7 0
                                    


Punyetang mga Orks 'to hindi maubos-ubos... ummmn... ummmnnn... ummmm... Ay, putsa nagcollapse na yung goldmine...

"Ohhhh... araaay... what is dat..." Ringtone ng cellphone ko, wala eh...walang magawa... jologs.

I checked yung number na nag register... Si James.

"O, bakit?" tanong ko.

"Where are you?" tanong nya.

"Nasa bahay." Sagot ko.

"Ang cheap mo talaga, naglalaro ka na naman ng warcraft ano?" usisa nya.

"Hmmmn..." hininaan ko yung volume ng pc ko.

"Bakit ba?" tanong ko.

"Hoy, nakalimutan mo na ba? We're supposed to meet today!!! Puta ka Rigs, kanina pa ko dito."

Ay, oo nga pala. May usapan kami ni James.
Four years ko ng kaibigan si James (pronunciation: Dyames hindi jeyms, hehehe). Mayroon kaming common friend na nagpakilala sa amin. Closeted si James, so am i. Sa Ayala Corp sya nagwowork, sosyal pero mabait. Noong una alangan ako pero eventually, as I got to know him well, I realized how down to earth he is at super bait, walang ere. We were able to develop a REAL platonic friendship. He's very nice to me, if I need help, specially pagdating sa computers, he is always there to provide assistance. We never really see each other often but we always keep in touch. Pag may baong crush sya, pag na promote sya, pag magta travel sya at pag may problem sya specially problema sa puso. James is older ng four years sa akin. I'm 28 and he's 32. He's 5'10 and I'm 5'7. He's muscular and I am not... hehehehe!

Nagmamadali akong maligo at magbihis. Putsa, di pa pala ko nakakapag-pa laundry. I immediately grab whatever is clean in my closet. Jeans and shirt - pwede na to.

"Hello?"

"O, Rigs nasan ka na?"

"Dito na ko sa Greenbelt, tapat ng National Bookstore."

"What are you doing there? I told you to meet me in Segafredo!" naiinis na ang mokong. Hahaha!

"Sega... what?" naguguluhang tanong ko.

"Se-ga-fre-do! Segafredo!!!"

"Ok, Segafredo! Ah... James..."

"O ano?"

"Where is Segafredo located?" Natatawang tanong ko.

"Ay naku, lumabas ka dyan, dito sa bagong Greenbelt. Alam mo yung Italliani's, o malapit na dito... katabi lang. Nandito ako sa loob. Bilisan mo ha."

"Ok... see you Queen Amidala!" pang iinis na sagot ko.

Palinga-linga ako. Segafredo... segafredo... Hmmmnn... nagtanong na ako

"Guard, saan yung Segafredo?"

"Ano ho?" nagtatakang tanong ng guard.

"Segafredo. Se-ga-fre-do!" sagot ko.

Wala pa rin. Para akong alien na hindi nya maunawaan.

"Ok, saan ang Italliani's?" tsambang tanong ko.

"Ah, Italliani's... ayun ho o..." turo nya.

Ayun! Ayun yung Segafredo! Nakita ko na!!! Yehey!!!!! Lakad ako, putsa, ano ba 'to? Restaurant? Parang sosyal ah... Ito talagang si James!!! Di bale libre naman eh... sige, pasok.

Nakita ko ang reyna. Sipping his cup of latte ek... ek... Tumingin sya sa akin.

"Ano ka ba Rigs, ang tagal mo ha!" sita nya.

"Uy, sorry ha. Nakalimutan ko. Akala ko next week pa tayo magmi meet." Palusot ko.

"Sya... sya... Excuse me!" tawag nya sa waiter. Lumapit naman ito, aba, gwapo! Maganda ang tindig. Maganda ang porma! Bagay na bagay sa kanya ang suot na kulay itim at pula. Para syang model.

Kwentong Malibog (M2M Hot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon