Kabanata 9

58.5K 1.6K 929
                                    

~She's dying.~


***


It's three in the morning but I'm still awake. 


Tahimik akong lumabas ng kwarto para kumuha ng maligamgam na tubig. 


Pagkatapos ay madali akong bumalik sa kwarto at ini-lock iyon. Halos gapangin ko na ang aking maleta para lang kumuha ng makapal na jacket.


Nang makuha ko iyon ay mabilis kong isinubsob ang aking mukha doon para umubo.


Pigil ko ang makalikha ng anumang ingay. Ayaw kong malaman nila ang kondisyon ko.


Walang tigil ang aking pag-ubo. Nakakaapekto na iyon sa aking paghinga. 


Malakas kong sinusuntok ang aking dibdib dahil pakiramdam ko ay namamanhid na iyon.


Ano ng nangyayari sa akin? Mamamatay na ba ako?


Naka-inom naman ako ng gamot kanina. Kaya anong nangyayari?


Then I remembered the kikiam and fishball I had eaten earlier. Argh! Mukhang hindi pwede sa akin ang ganoong uri ng pagkain.


Muli akong umubo ng malakas kaya tinakpan ko ulit ang aking mukha.


There is a blood stain on my jacket. Nanginginig kong pinunasan ang aking bibig.


'A-Ayaw ko pa. G-Gusto ko pang manatili kahit kaunti pang panahon. Gusto ko pang makasama si Theodore.' Halos umiiyak na ako habang sinasabi iyon sa aking isip.


Nanghihina man at nanginginig ang aking kamay ay pinilit kong abutin ang aking gamot.


Kumuha ako ng dalawa at magkasunod 'yong ininom.


Kumuha din ako ng paper bag para doon huminga.


 Napasandal na lang ako sa paanan ng kama. Wala na akong lakas pa para bumangon.


Umiiyak na ako dahil sa hirap ng nararamdaman ko pero wala akong magawa. Nararamdaman ko na din ang mahinang pagtibok ng puso ko. 


N-No.. p-please,


'I want to live, Lord. Please, not now. Huwag mo muna akong kunin. N-Nagmamakaawa ako sa inyo. Huwag po muna. H-Hindi pa ako handa. Hindi ko pa kayang iwan siya.'


That was the last thing I remembered before I fainted.


And it was already noon when I woke up. Thanking God that he had heard my prayer.


Kung ano ang posisyon ko bago ako nawalan ng malay kaninang madaling araw ay ganoon pa din no'ng magising ako.

Wishing You The Love||COMPLETE (Published under IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon