Kabanata 10

67.7K 1.9K 623
                                    

~Loving yourself is the most important concept of love, Calista.~


***


Masakit ang katawan ko nang magkamalay. Hindi ko alam kung ilang oras akong walang malay pero hatinggabi na nang magising ako.


Nanghihina man ay bumangon ako at lumabas ng kwarto para sana kumuha ng maiinom nang madatnan ko sa sala sina Inay at Theo na gising pa. Base sa hitsura nila ay parang wala silang balak na matulog.


Nakaramdam naman ako ng pagkaguilty dahil alam kong ako ang dahilan no'n kung bakit.


"Iha anak. Gising ka na pala. Pinag-alala mo kami ng husto." si Inay Dulce nang makita niya ako.


"Pasensya na po Inay." paghingi ko ng paumanhin. Kataka-takang hindi ako nilingon ni Theo kahit na narinig niya ang boses ko.


"May gusto ka bang kai—"



"May sakit ka?" si Theodore. Malamig ang tono ng boses niyang iyon na naging dahilan para kabahan ako ng husto.


"Theo.." I uttered at balak sana siyang hawakan pero malakas niyang tinabig ang kamay ko. Marahas siyang tumayo saka ako hinarap. Nakita ko sa mga mata niya ang galit, sakit at pag-aalala.


"Gusto kong marinig mula sayo, Calista. May sakit ka ba?!" he shouted. Napapikit ako ng mariin at hindi na naiwasang maluha.


Natatakot ako sa kanya.


"Watch your tone, Khali Theodore!" sigaw ni Inay Dulce. Naging mabilis ang pagtakbo nina Itay Carding at Keisser sa may sala para pumagitna. Mukhang nagising sila sa sigawan na iyon.


"M-Meron." nanginginig ang boses kong sagot.


"At kailan mo balak sabihin sa akin? Kapag araw na ng kamatayan mo? Ano ka ba naman Calista. Nag-iisip ka ba?!" galit pa din na sabi ni Theodore.


"Hindi ko naman sinasadyang itago." mahina kong sabi pero sapat na iyon para marinig niya.


"Hindi sinasadyang itago? Ha! Kung gano'n, anong ginagawa mo dito sa Isla? Para makabawi sa amin? Sa mga magulang ko? Kasi ano? Kasi alam natin pareho na ikaw ang dahilan kaya sila naalis noon sa trabaho!"


"Theodore, hindi." Mabilis na pag-iling ko.


"Eh ano?!" muli niyang sigaw sa akin. Mas lalo akong naiyak.


"Kuya stop! You are scaring her. Hindi ka ba naaawa?" pang-aalo ni Keisser sa kapatid. Malakas na napabuga ng hangin si Theo.


"Again Calista. Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito sa Isla ito? Ano ba talaga ang pinaplano mo?" Mahinahon pero nandoon ang diin sa bawat salitang binibitawan niya.

Wishing You The Love||COMPLETE (Published under IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon