Kabanata 12

66.3K 2K 875
                                    

~Then, will you marry me?~


***


Today is Theo's birthday, so it's no surprise that everyone is already busy in the morning.


Alas otso pa lang  ng umaga at nagkakape pa lang ako pero sa dami ng tao dito sa bahay nina Theodore, hindi ako makatambay sa may terrace. Gusto ko sanang lumabas pero nahihiya ako sa mga bisita kaya nanatili na lang ako dito sa loob ng kwarto habang nakasilip sa may bintana.


Maaga pa pero naririnig ko na ang malakas na tugtog ng videoke-han. Boses ni Keisser ang kumakanta doon kaya hindi ko maiwasang mamangha.


Kung gano'n, may lahi pala sila na magagaling kumanta? Gusto ko ding marinig ang boses ni Theodore.


Pero teka, nasaan nga pala iyon? Kanina pa siya wala kaya hindi ko pa siya nababati. Umaasa pa naman ako na ako ang unang babati sa kanya pero mukhang hindi pala.


Inubos ko na lang ang aking kape at pumunta ng kusina para ilagay ang aking baso. Babalik na sana ako sa kwarto nang mamataan ko si Valeria na naglalakad papunta dito sa bahay nina Theodore habang may dalawang box siyang bitbit.


Mabilis akong lumabas para sumigaw.


 "Valeria! Good morning." I happily greeted her.


She smiled and walked closer to me. "Good morning din Miss Cali."


"Mm-mm, busy ka pa ba?" tanong ko na may halong pagkailang at pagkahiya.


Sinuri muna niya ako bago nagtanong.


"May kailangan ka ba?" she asked. Napapakamot naman ako sa ulo.


"Wala kasi akong magawa eh. Wala din akong makausap. Lahat sila abala." Malungkot kong sabi.


Hindi naman ako ganito dati. Hindi ako nakadepende sa iba. Kahit mag-isa lang ako o kaya ay wala akong kasama, okay lang sa akin pero ngayon.. nakakaramdam na ako ng lungkot kapag wala akong kausap man lang.


"Sige. Wait lang ha." aniya. Bago pa ako magtanong ay sumigaw na siya. "Baste!"


"Ano?!" pabalik na sigaw din no'ng isa.


"Galit ka?!" Maawtoridad ang boses na iyon ni Valeria kaya agad namang tumiklop si Baste.


"Hehe. Hindi." sabay kamot nito sa ulo.


"Ikaw na ang magdala nito sa likod." utos niya sabay bigay ng dalawang kahon dito na dala niya. "Ikaw na din ang kumuha ng iba pang mga panamya sa bahay. Nasa kahon na ang lahat ng iyon. Sasamahan ko lang si Cali." Habilin niya dito na mabilis namang kinatango ng kausap.


"Sige." he said at naglakad na patungo sa kung nasaan ang bahay ni Valeria.


Wishing You The Love||COMPLETE (Published under IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon