~Gagawin ko ang lahat, makapasok lang ako dyan sa mundo niyo.~
***
Three days later..
Kalalabas ko lang ng hospital noong mga nakaraang araw pero nagtatrabaho na agad ako. Halos tatlong araw na akong gising. Walang matinong pahinga at kain.
Sapilitan kasi akong inilabas ng mga magulang ko sa hospital dahil aksayado lang daw sa pera ang pananatili ko doon. Nagkataon din na wala si Kiesha kaya naging madali ang paglabas ko.
Nang makalabas ako ng hospital, akala ko ay sa mansion na nila ako pagpapahingahin dahil aminado naman ako na hindi pa ako okay.. na hindi pa tuluyang gumagaling ang mga sugat ko.. na hindi pa din bumabalik ang dating lakas ko pero hindi iyon ang nangyari.
Sa halip ay pinadiretso na nila ako ng kompanya para magtrabaho.. para ayusin ang gusot sa gulong ginawa ko.
They already knew that Cean and I had called off our engagement.
Naikwento na din ni Kashianna ang nangyari at mag-asawang sampal ang natanggap ko mula kay Mommy dahil bakit nga daw hindi ko muna hinayaan na gamutin nila si Kashianna.
Ako ang sinisisi nila ngayon kasi hindi pa daw humihilom ang gasgas na natamo nito.
Nakakatawa lang isipin na kaya nilang saktan ang tulad kong kalalabas lang ng hospital para lang sa gasgas ng kapatid ko. Pero ang mag-alala sa kalagayan ko, maski kaunti ay hindi nila magawa.
Napatungo na lang ako at humingi ng pasensya. Pero hindi nila iyon tinaggap dahil nga no'ng balak nilang ipagamot si Kashianna e' pinagtatabuyan sila ng mga hospital. Bagay na alam kong si Diem ang may kagagawan. So this is why they punished me.
Ayaw ko mang pumasok sa opisina pero wala akong magawa.
Pinipilit ko na lang kahit na minsan ay hindi ko na kaya.
Pinipilit ko na lang kahit na alam kong kaunti na lang at bibigay na ang katawan ko sa antok at pagod.
Pinipilit ko na lang talaga dahil matatapos na din naman.
Cean's cancellation of our engagement caused a lot of problems and had a lot of consequences. Madaming nagpull out na mga investors at ang ilan pa sa kanila ay siniraan kami. Halos bumagsak nga ang kompanya kaya naman ginugol ko ang buong oras at lakas ko para maisalba ito.
'Yes Mrs. Falcutillan. Thank you so much!' ani ko sa kausap.
'No worries. If you have a problem with your company, feel free to contact us.' sambit naman ng nasa kabilang linya.
'Yes Ma'am. I will.'
'Good then. Bye.'
BINABASA MO ANG
Wishing You The Love||COMPLETE (Published under IMMAC PPH)
FantasíaNote: Prepare your mind and heart. The person who can only read this story are ready to be hurt. Cali is a fine and charming lady. She has a good heart and her personality is really admired by every people around her. Maganda ang buhay. Mayaman. Mat...