~At sana, sana magawa na nila akong mahalin bilang anak at kapatid.~
***
It's only been three days but I'm on my way home to the mansion. Khleo is insisting me to go home dahil hindi daw kumakain si Khloe. Gusto daw ako nitong makita at hindi daw ito kakain hangga't hindi ako nakakauwi.
Dahil sa pag-aalala na baka kung ano ang mangyari sa kanya, kahit hindi pa tuluyang naghihilom ang sugat ko, nagpadischarge na ako. Ayaw nga sana ni Kiesha kaso wala na siyang nagawa dahil desidido talaga akong umuwi. Naaalala ko pa ang naging pag-uusap namin kanina.
~Flasback~
"Uuwi ka na kasi nag-aalala ka sa bunso mong kapatid? E' hindi nga nila magawang mag-alala sayo e! And for pete's sake, kagigising mo lang! Dalawang araw kang comatose dahil sa pagkakaroon ng infection ng sugat mo tapos ngayon babanat ka ng alis? Baliw ka ba?!" galit na sabi niya sa akin.
Naiintindihan ko naman ang pinanggagalingan ng galit niyang iyon.
"Hindi naman nila alam ang sinapit ko." pagtatanggol ko sa pamilya ko.
"Dahil hindi mo pinaalam!" she shouted.
I startled. "Oh. Chill lang." ani ko habang pinapakalma siya.
"Paano ako magchi-chill kung aalis ka na agad ng hospital?! Ni hindi ko pa nga naaalis iyang tahi mo sa hita! Tanga ka ba?" She was really frustrated. Hindi ko naiwasang matawa dahil minura niya ako ng direkta.
"Khloe needs me." ani ko.
Dahil sa sinabi kong iyon, sinamaan niya ako ng tingin.
"Pero kailangan mo din ng pahinga! Kailangan mo din magpagaling! Maawa ka naman sa sarili mo Calista." duro niya pa.
Nagkibit-balikat na lang ako at mapait na ngumiti. "Anong malay natin. Baka kapag namatay ako e' doon lang nila ako mahalin."
"Cali naman."
"Don't worry about me." Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat. "I'm okay. Sa bahay na lang ako magpapagaling. Puntahan mo na lang ako doon kapag pwede ng tanggalin ang tahi sa hita ko."
~End of Flashback~
Napapalabi na lang ako dahil alam kong masama talaga ang loob niya sa maagang pagpapadischarge ko.
"Khloe. I'm here." anunsyo ko nang katukin ko ang kwarto niya. Nakita kong nakahiga lang siya sa kama at malungkot ang mga mata.
Pero agad din iyong napalitan ng saya nang makita niya ako.
BINABASA MO ANG
Wishing You The Love||COMPLETE (Published under IMMAC PPH)
FantasíaNote: Prepare your mind and heart. The person who can only read this story are ready to be hurt. Cali is a fine and charming lady. She has a good heart and her personality is really admired by every people around her. Maganda ang buhay. Mayaman. Mat...