Chapter 25: Operations pt. 1

56 20 0
                                    

James POV:

I looked at Rhea as she stood in front of everyone.

"Anong meron? May iaanounce kapa Rhea?" bumuntong hininga muna si Rhea bago kami seryosong tiningnan isa-isa hanggang sa tumigil ito sa tapat ni Nadine.

"I know this might be cruel of me to do pero hindi padin ako naniniwala na ikaw ang kaibigan namin." I waited for Nadine's reaction but she just smiled and nodded

"So James, Albie and I conducted a DNA test to make sure na hindi kami nagpapasok ng kalaban sa mismong pamamahay namin. This envelope here is the result, and if — and if it turns out negative, I'm sorry but we would have to kill you" ani nito. Nakita ko ang nag-aalalang mukha ng iba ngunit mas pinanindigan nila ang kaibigan dahil alam kong maski sila ay nangangamba rin..

Rhea opened the envelope and fished out the paper, hinintay namin siyang matapos basahin ito ngunit ilang minuto na ang lumipas ngunit hindi padin siya nagsasalita. Anong nangyari? What's the result?

"Baby? what's written in there? Are you okay?" ani ni Albie habang hawak nito ang anak nito. Marahan naman na ibinaba ni Rhea ang papel then showed us the results.

"Oh my gosh!"

"Does that mean—"

IT'S POSITIVE

Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib, mabilis kong hinarap si Nadine at binigyan ito ng mainit na yakap, gayon din ang ginawa ng iba.

"Welcome back"

"I'm home"

Nang matapos ang yakapan session namin ay nagsimula na ang lahat maghanda para sa lugar na pupuntahan nila. Naunang umalis ang grupo nila Kyle, ang grupo naman nila Rhea ay maiiwan dito at bibigyan nalang kami ng heads up pag may nakita sila. Kami naman ay kasalukuyang nabyahe patungo sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.

It took us four hours hanggang sa makarating kami sa gusaling iyon. Gaya ng huling imahe nito sa utak ko ay ganyon padin ito. Nadagdagan lamang ang mga halamang nakapalibot ngunit ito padin ang lugar kung saan kinuha nila ang lahat sa akin.

"You okay? Alam kong mahirap ito sayo pero kailangan nating magpatuloy" tama sya. Kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at nagsimula ng bagtasin ang daan papasok sa gusali.

"Maghiwahiwalay tayo! Kung kaya pang umakyat sa taas ay subukan ninyo! Let's go!" ani ko bago masuyod na inilibot ang aking mga mata sa bawat parte ng lugar upang makakita ng ano mang magbibigay linaw sa lahat ng ito.

(Third person's POV)

Sa dako nila Kyle ay kasalukuyan ang mga itong hiwa-hiwalay na naglilibot sa lugar kung saan maaaring naninirahan ang taong kanilang hinahanap.

"Excuse me po pero kilala ninyo po va itong lalaking ito? Ganito po siya kataas at medyo maskulado po"

"Nako hindi po. Pero magtanong po kayo sa bandang iyon. Baka po kilala nila ang tinutukoy ninyo" ani ng binata at nagpatuloy na sa paglalakad. Binagtas naman ni Kyle ang nasabing daan at ilang minuto pa nang makakita siya ng panibagong baranggay kaya mabilis itong lumapit sa isang mamayan doon at muling itong nagtanong.

"Parang kilala ko yan, tela isipin ko" ani ng ginang sa tindahan

"Talaga po?!"

Ayos! mukhang mapapadali ang trabaho namin ah? hehe ani ni Kyle sa isip nito

"Ah naalala ko na! siya nga yon! Hindi ako nagkakamali"

"Talaga po? San ko po siya makikita?"

"At bakit ko Naman sasabihin sayo na nasa bahay ko siya?" mataray na ani ng matandang ginang. Halos malaglag naman ang panga ni kyle sa sagot nito..

Dangerous Affection | ONHOLDWhere stories live. Discover now