6

590 53 1
                                    

(Colleen POV)

Tatlong linggo na ang nakakalipas simula nung mag resign ako kila sir James. Sa ngayon nagpa tayo ako NG isang maliit na karenderya dito sa tapat NG school ni Nike, hindi ganon maganda pero dinadagsa naman ako NG customers.

Kaya kumuha nadin ako NG mga tutulong...

"Ate colleen! Isang adobo, isang humba, isang pork chop saka apat na ka in!" yan si jwen part timer ko, waitress

"oh eto makikibigay"

"Psst Haunt, tulungan mo na si Jwen magbuhat nung tray parang nahihirapan na" ani ko kay haunt, waiter namin dito part timer din.

"Okay"

"Haaaay grabe ang init init sa labas, bat ba kase ako ang pinamalengke mo" yan naman si Luna isa sa mga dishwasher ko.

"Hayaan mo na Luna bells may dagdag naman yan sa sahod mo"

"Ay bongga! Sister ako din! Ako nalang mamamalengke! May dagdag sahod pala May makikita pakong papa! Ayyy! Chararat kang luna ka! Bat mo hinampas sakin yang isdang dala mo?! Ewwwwww!!" Yan naman si Markian este Marian pala pfft HAHAHAHA sya naman ang in charge sa mga magbabayad na.

" Oh tama na yan, back to work na Haha"

"Mother sirena tingnan mo tong dirty eww sa damit ko! Yuck kasalanan mo toh Luna!"

"Che! Balita!"

Natatawa nalang ako sa kanila HAHAHAHA xD.. Makabalik na nga din sa pag luluto, paubos na ang ilan sa mga ulam saka kanin.

Busy ako sa pag luluto nang humahangos na pumasok si Luna ni Maria dito sa kusina, nag-unahan pa nga sa pag pasok at wag kalimutan na may bangayan na nangyare HAHAHAHA....

"Madam! May bongasious na kalesa sa labas! Saka si Peeta Milark! Ayy! Papa!"

Ano daw? Kalesa? Peeta Milark?
Sino naman yun?
Tumingin ako kay luna na napala-iling nalang...

"Hay nako madam! Di mo nanaman knowing mga sine-say ko!"

"Pano ka maintindihan eh alien yang bunganga mo! May pa kalesa kalesa kapa eh kotche lang naman yun! Saka anong Peeta Milark?! Asan tayo? Sa Hunger Games?! Gaga!"

"inggit kalang kase I have a very beautiful brain" sagot ni Maria pero isang erap lang ang isinagot no luna

"Sino ba kase talaga yun?"

"hindi namin kilala mam, pero mukang kilala ka"

Sino naman kaya yun? Kung so Vash naman yun siguradong papasok nalang yun dito, kung yung anak ko naman eh impossible may klase pa yun ngayon..

Lumabas ako NG kusina at may nakitang bulto NG isang lalakeng naka business suit, parang pamilyar ang built NG katawan. Sino ba toh? Impossible naman na si—

"Colleen"

Ah?

Anong ginagawa nya dito?

Diba nag resign nako?

"Ano pong kailangan nyo Sir?"

"Grabe ka naman maka Sir parang hindi tayo naging close"

Naging close ba kami?

Bay parang hindi naman...

"ah hehe, may niluluto pa kase ako. Kung may sasabihin ka po medyo makikibilisan po"

"Look I'm just here to eat and have a little chat with you. OK lang ba yun?"

"Dito ka kakain? Eh diba mayaman ka? Karenderya lang itong business ko hindi pang restaurant o five star hotel"

Dangerous Affection | ONHOLDWhere stories live. Discover now