Chapter 26: Operations pt. 2

42 14 0
                                    

(Third person's POV)

Naguguluhang tinitignan ni James ang matanda na ngayon ay mukhang gulat na gulat.

May nalalaman ba siya? ani ng lalaki sa isip.

"Iho paki suri ang katawan mo kung may nakakabit na —ano nga bang tawag doon? yung —"

"hearing device po ba?"

hindi ko alam kung tama ba ang hula ko pero feeling ko iyon nga ang tinutukoy niya, aning muli nito sa utak

"Oo tama! yun nga." hindi na nag sayang ng oras ang lalaki at mabilis na binusisi ang bawat sulok ng katawan nito pati na ang damit nito. And he was shocked to see one behind his back.

Kanina pa ba ito dito? Fuck! Alam na kaya nila ang ginagawa namin?!  nagugulantang na ani nito sa isip

"Magmadali ka at iyong sirain agad iho bago kapa nila matunugan" nag-aalalang ani ng matanda na agad namang sinunod ng huli.

"Ngayon iho pano ako makakasiguro na ikaw nga  ang lalaking tinutukoy ko?" seryosong sabi ng matanda

"Ano po bang dapat kong gawin?"

****

Dumako tayo sa grupo ng mga babae na kasalukuyang nagpapahinga sa isang malilom na bahagi malayo layo sa abandunadong gusali.

"Ano na sa tingin nyo ang balita dun sa iba? Ni isa sa kanila hindi pa tayo kinokontak" ani ni Yassy na tila nagtataka dahil hindi pa tumatawag ang asawa sa kanya.

"I'm sure Kyle and our husband's are okay. Don't worry"

"Nads? bakit ang tahimik mo ata?"

"Duh! dika pa nasanay dyan eh tahimik naman madalas yan HAHAHAHA"

"It's just that James is taking too long to come back. Wala naman sigurong nangyari sa kanya diba?" nag aalalang ani nito

"Nako! Si james pa! Matibay yon! apoy nga kayang suungin mailigtas kalang bugbugan pa kaya? HAHAHAHA you have nothing to worry about. Para namang hindi mo kilala yung fiance mo na yon"

"Wait is their engagement still on? I mean nag hiwalay sila ng matagal so."

sabay sabay na tumingin ang mga babae kay Nadine at tila nag iintay ng sagot mula rito.

"What?"

"Well? hindi pa ba ulit nag ppropose sayo si James?"

"I don't think thats necessary now. Ang mahalaga mabawi namin si Riegel sa kamay ng mga kamag-anak niya" sabay-sabay na sumang-ayon ang mga ito at nagpatuloy nalang sa pag papahinga. Ilang minuto pa nang makita nila ang pigura ni James na papalapit sa kanila.

"Hey! Ano? may nakita ka?" pasigaw na ani ni Yassy dito ngunit isang iling lamang ang isinagot nito.

"Maybe we should go home for now. Mukang uulan na rin. We'll come back some other time"

"You okay?" ani ni Nadine

"Yeah sure I'm okay. Tara na?" ani ng huli bago nauna nang magtungo sa sasakyan. Naguguluhan naman na nagtinginan ang mga babae.

"Anong nangyari dun?"

"Kaya nga. Feeling ko may nangyari kanina na hindi natin alam"

"Should we investigate?"

"Nah, kung ayaw niyang sabihin then maybe he has his reasons to do so. let's just trust james in this. I'm sure kung ano man itinatago niya it's for the best"  Sumangayon na lamang ang lahat at sumunod na rin sa sasakyan para makauwi.

Dangerous Affection | ONHOLDWhere stories live. Discover now