Kabanata 2

165 28 33
                                    

Ang larawan sa taas ay nagpapakita kung ano ang magiging istilo ni Eleanor Frondoza.

Tila biglang nag iba ang paningin ko sa labas ng museo. Hindi pwedeng na mamalik mata lang ako pero kitang-kita ng dalawang mata ko ngayon na naiba na ang kalsada pati na rin ang mga kotse. Halos mapuno na ng mga vintage cars iyung kalsada at ang malala doon ay may iilang kalesa na nag ba byahe at saka mga taong nakadamit ng amerikana at dresses sa daan.

Hindi naman ganyan ka pormal manamit ang mga tao sa time ko. At saka iba na talaga ang mga buildings. Lahat mukhang marilag 'yung architecture at hindi na mga mukhang cheap na building na madalas ay magulo at madumi.

Nang mapagtanto ay kaagad akong napalingon sa loob ng museo at wala na doon ang mga artifacts at lalong lalo na ay wala na rin ang mga taong nakabantay sa loob.

"Fvcking hell... na nanaginip ba ako?"

Hindi pwede dahil totoo talaga 'yung lahat kanina. Alam ko at ramdam kong totoo 'yun.

Pero bakit ganito?

Bakit ako nandito?

Anong ginagawa ko dito?

Nakatulog ba ako o hinimatay nu'ng nag paalam ako kay Ms. Chua na pumunta ng bus para mag pahinga?

"Shit, Violet gising. Gumising ka hindi pwede 'to!"

Hindi ko na rin mapigilang mag panic at mag tago sa likod ng pintuan kasi may nakikita na akong mga sundalo na naka uniform ng plain brown kaya alam kong nasa maling panahon talaga ako ngayon. Ewan ko kung ano'ng meron dito pero nakakatakot sila.

Ang kailangan ko nalang alamin ngayon ay kung na nanaginip ba talaga ako o hindi.

Pero shit talaga hindi ko na alam kung ano ba ang ginagawa ko dito. Para akong baliw na nagtatago sa likod ng kahoy na double doors. Dahil lang may nakita akong mga sundalo na nag roronda.

At kailangan ko talagang mag tago kasi ako lang ang na iiba ng kasuotan at saka may make up pa ako. Mukhang natural makeup look lang 'yung mga babaeng nakikita ko kaya for sure mag tataka sila bakit sobrang ganda ko at saka ang galing ko mag make up. Siguro kahit naman nasa sinaunang panahon 'to marunong naman sila mag identify ng magandang look compare sa mukhang ewan na pikachu.

Hindi naman siguro sila makakahalata na naiiba ako sa kanila 'no?

Pero what if panaginip talaga 'to tapos bigla nalang ako barilin ng isa sa mga sundalo at magigising na ako?

Gosh!

Mag papabaril na ba ako ngayon? Pero natatakot parin ako kahit na panaginip lang 'to.

Habang nakikipagtalo ako sa sarili ko dito sa likod ng pintuan ay may narinig naman akong tunog ng sasakyang huminto sa harap ng pinagtataguang kong pintuan. Kaya biglang napatigil din ako sa pagpumihit at mabilis na napatabon ng bibig baka kasi marinig nilang nandito ako.

Malay ko ba kung ano ang pwedeng gawin nila sakin kaya mabuti na ang sigurado.

Pero mas lalo lang ako kinabahan ng marinig ko ang yapak ng sapatos. Hindi ko alam kung nag mamadali ba siya o ano pero sigurado ako na papunta siya sa'kin ngayon.

La Calle RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon