Kabanata 4

193 28 77
                                        




Kahit na walang traffic ay matagal pa rin ang byahe kasi medyo mabagal pa 'yung takbo ng mga jeep at saka maingay din ang makina. Makulimlim na ngayon at nag lalakad pa kami sa plaza papunta ng bahay nila. Hanggang plaza lang daw kasi talaga 'yung jeep na sinakyan namin kanina e nasa kabilang banda pa 'yung bahay nila.

Kapansin pansin na rin ang mga malalaking bahay. Kahit saan ako tumingin pare-parehong malaki, two-to-three-storey, at magarang tingnan ang mga bahay dito. Ano'ng nangyari sa future? Hindi na kasi ganito kaganda 'yung mga bahay sa panahon ko. Kahit na halos lahat ng mga bahay lang dito ay gawa sa kahoy. Halatang Spanish colonial 'yung mga architecture design.

"Violet?"

"Oh?"

"Pwedeng ano... tahimik ka lang muna pag dating natin sa bahay? Baka kasi nandoon na mga kapatid ko at makita ka nila tapos may masabi pa sila sa'yo dahil sa pananamit mo. Medyo mapanghusga kasi minsan ang mga iyon."

Napataas agad ako ng kilay dahil sa sinabi niya. Ano naman ang huhusgahan nila sa'kin?

"Bakit ano ba ang mali sa ayos ko?"

Ako kaya ang palaging pinang gagayahan ng outfits ng mga kaklase at kaibigan ko. Ano'ng pinagsasabi neto?

"Medyo hindi kasi nasa uso 'yang suot mo."

Hindi uso?!

"A-Ano?! Ano'ng hindi uso e ganito mga damit ang uso ngayon! Baka 'yung mga suot ninyo ang hindi na uso."

Makaluma ampotek. Ako pa talaga sasabihan na hindi daw trendy 'tong suot ko.

Nakakastress mare!

"Ang ibig kong sabihin ay iba kasi 'yung mga damit na nauuso sa panahon na 'to kaya ko nasabi iyon."

Oh, okay...

Kaya kinalma ko nalang ulit ang sarili ko at tumango sa kanya kasi may point naman siya. Pasensya na minsan talaga napaka slow ko umintindi ng mga bagay.

"Pero alam mo ang ganda pa rin ng suot mo para sa akin. Gusto ko ang kulay at desinyo nito, walang madaming desinyo pero maporma. Kaso sa panahon kasi namin ngayon ay iba ang mga usong damit at pananamit kaya binalaan lang kita para hindi ka rin magulat kung may magsabi man o tumingin sa iyo ng kakaiba dahil sa suot mo."

Na appreciate ko 'yung sinabi niya kaya napangiti rin ako sa kanya.

"Ang weird pala 'no? Kasi kung kabaliktaran ang nangyari at isa sa mga taga rito sa panahon mo ang napunta sa panahon ko ay sure din akong may mapapatingin din sa kanya dahil sa suot niya. Iisipin nilang nag co-cosplay o trip niya lang mag suot ng makaluma. But no offense sayo dahil maganda naman 'yang suot mo very girly."

I'm referring doon sa suot nilang bakya o sandals. Sino ba naman kasing matino ang mag susuot nun sa year 2022? Okay sana kung may palabas sa school o buwan ng wika kaya kailangan mag suot ng bakya pero pag normal fashion lang?

Heck, no.

Ekis!

Dumaan muna kami sa parang bago nakarating sa mismong bahay nila. Magaganda naman ang mga malls at buildings sa taon kung saan ako nanggaling pero mas gusto ko dito mas fresh at aesthetic ang view. Kung pwede lang mag photoshoot ay ginawa ko na.

Bago pumasok sa bahay nila ay sinenyasan niya muna ako na mag dahan-dahan at manahimik para hindi kami mapansin na pumasok. Dumeristo kami sa taas dahil nandoon 'yung room niya.

Alam kong malawak at malaki 'yung bahay nila Rusco pero malaki din ang bahay nila Eleanor. Tapos ang gara pa ng hagdan nila pang mansion at saka may malaking chandelier pa sila sa gitna ng bahay. Kung maka describe naman kasi siya kanina ng bahay niya akala ko parang normal lang na bahay pero mukhang mayaman din pala sila.

La Calle RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon