Kabanata 1

398 39 43
                                        

Ang larawan sa taas ay nagpapakita kung ano ang magiging istilo ni Violet Manalo.


Umagang umaga ang gugulo na naman ng mga ka klase ko. Parang mga tangang nag aagawan ng upuan akala mo naman ikakamatay kapag hindi na katabi 'yung mga kaibigan o jowa nila. Ang sarap nila pag uuntugin at pag palitan ng mga mukha!

"Mga bwesit."

Bigla ko naman naramdamang may sumiko sa'kin kaya napatingin agad ako sa katabi ko.

"Isa ka din, ang annoying mo. Bakit ka ba dumidikit na naman sa'kin ha? Hindi ka naman mahahawaan ng kagandahan ko."

Nakakainis! Dikit nang dikit sa'kin palagi kahit mainit. Sabihin pa naman na may gusto daw ako sa kanya? Gross! Ang dugyot na nga niya tapos sobrang mahangin pa. Hindi ako homophobic pero baka mapilitan ako ng dahil sa kanya.

"Parang nasagi lang ng water bottle hindi naman masakit 'yon. Pasensya na, Vie, huwag ka nang magalit sa'kin please?"

What the heck? Tinawag niya akong Vie eh hindi naman ganu'n ang pangalan ko.

"How dare you call me Vie? Hindi man lang tayo magkaibigan!"

Ang kapal talaga ng mukha feeling close. Kahit mga friends ko hindi ko nga pinapayagan na tawagin ako sa ibang name bukod sa name kong Violet. Tapos isang mahangin na pangit lang pala ang tatawag sa'kin ng ganyan? No way!

"Teka kalma ka lang baka marinig tayo ni Ma'am."

Bwesit! Paano ako kakalma ngayon eh hinawakan niya ako? Kadiri talaga ang lagkit pa sa feeling ng hawak niya!

"Kunin mo nga ang kamay mo kadiri ka!"

"Vie, huwag ka nang mag panggap alam ko naman na gusto mo ako. Hard to get ka lang kaya mas lalo kitang gusto."

Potek na 'yan may pa kindat pang nalalaman. Feeling niya talaga kyut siya.

"Violet, bakit ka sumisigaw- oh. Nandito ka na naman Kris? Alis ka nga diyan, ako ang uupo diyan. Aagawan mo pa ako ng puwesto, best friend ka ba?"

Si Belladonna pinaka-close ko sa lahat ng mga ka klase ko ngayon. As usual late na naman siya. Isa din 'to kung makautos akala mo may pangalan niya 'yung upuan. Pero okay na rin para makaalis na sa tabi ko 'tong si Kris.

"Hay, grabe 'yung traffic sa highway! Mabuti naabutan ko pa itong bus ng school."

Paulit ulit na reklamo na 'yang traffic, walang usad. Edi sana mas inagahan niya para hindi siya na traffic sa pang ilang libong beses. Kaya hinayaan ko na siya at nakinig nalang ng music.

"Violet, ano ba! Kanina pa kita kinakausap hindi ka naman pala nakikinig sa'kin."

Sigaw niya nang makuha niya sa tenga ko ang isang airpods. Pag 'yan talaga mahulog niya sa bintana, ihuhulog ko rin siya.

"Pwede ba, Bella, manahimik ka muna? Nakikisabay ka din sa mga ingay nila eh."

Sabi ko sabay agaw ng airpods ko doon sa kamay niyang nasa bintana. Muntik pang mahulog sa sahig mabuti nalang at mabilis ang reflex ko sa mga ganyan kaya nasalo ko kaagad.

"Hoy, ano 'yan? Lunes palang ganyan kana? Walking PMS ka ba? O baka naman human migraine ka?"

Napakagat agad ako ng labi sa sinabi niya. Sinusubukan kong maging mabait pero sinusubukan rin nila ang pasensya ko. Lalong lalo na 'tong si Bella napakahayop minsan pero kinaibigan ko kaya wala na akong magagawa.

La Calle RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon