Ang larawan sa taas ay nagpapakita kung ano ang magiging istilo ni Rusco Elizalde.
"Saang barrio ka pala nakatira?"
Si Rusco talaga napaka chismoso.
Huwag kang ganyan crush, ma papahamak ako niyan sayo!
Pero hindi ko alam kung sasabihin ko ba 'yung address namin dito o 'yung address na lang namin sa Manila. Kaya napatingin na lang ako kay Eleanor para humingi ng tulong.
Hindi ko kasi talaga pwedeng sabihin na nakatira ako sa Megaworld Boulevard dahil sa pag kakaalam ko ay bagong road lang 'yon at saka sa condo kami nakatira dahil wala naman kami ibang pamilya dito sa Iloilo. Kung hindi lang dahil sa napakagandang work offer kay daddy dito sa Iloilo ay hindi rin naman siguro kami ma pupunta dito.
"Sa bahay siya namamalagi. Galing siya ng Espanya kaya sa bahay nalang muna siya mananatili habang nandito pa siya sa Pinas."
Nakahinga rin ako ng maluwag dahil sa sinagot niya. Pero ang layo naman ng Spain, hindi nga ako marunong mag salita ng Spanish.
"Hindi sa na ngingialam ako pero bakit sa bahay niyo pa?"
Hay nako Rusco ang dami mong tanong! Hindi naman ako mag nanakaw o masamang tao, ang issue neto.
"Ganito kasi iyon... pero bago ko sabihin ay mangako ka munang hindi mo ipagsasabi sa iba?"
Pati ako kinakabahan sa sasabihin niya. Ano kaya ang sasabihin nito bakit ang pa suspense niya masyado?
"Pangako."
Sagot ni Rusco at inabot pa ang kamay ni Eleanor para hawakan. Lola at lolo ko na sila pero na iinggit parin ako sa landian nilang dalawa.
Hay... sana all talaga sa maganda at nililigawan din ng isang pogi at mayaman na lalaki.
"Sa katunayan niyan ay mag pinsan kaming dalawa. Kapatid ni nanay ang ama ni Violet. Sa iyo ko lang ito sinabi kaya sana wala ng may ma kakaalam pa, Rusco, maasahan ka naman namin diba?"
Pinsan? My goodness, girl wala tayong similarity kahit na isa. Ewan ko lang kung maniwala 'yan. Pero sana nga maniwala siya kasi baka ikapahamak ko pa kapag hindi.
"Maasahan mo ako, Elle. Pwede ko ba itanong kung bakit bawal malaman ng iba na mag pinsan kayong dalawa ni Violet?"
May lahing Marites ka talaga, Rusco. Lahat na lang gusto mong malaman. Detective Rusco yarn?
"Kasi... kasi masyadong delikado kapag madaming makakaalam na nandito ngayon ang pinsan ko. May nakaaway ang ama niya sa Espanya kaya siya nandito ngayon para masigurado ang kaligtasan niya. Kaya sa iyong kamay, Rusco, ay inaasa ko narin ngayon ang magiging kaligtasan ni Violet."
Para akong na nonood ng live action na vintage drama ngayon. Hindi ko naman kasi inaasahan na sobrang galing pala ni Eleanor umakting. Gusto kong kiligin sa kanila pero parang nakakainis din isipin na sweet sila sa isa't isa.
"Makakaasa ka Elle, hindi ko hahayaang mapahamak kayo. Kung papayag ka dito na lang kayo sa bahay mamalagi para mas masigurado ang kaligtasan ninyo."
"Rusco, ang pinsan ko lamang ang na ngangailangan ng tulong at hindi pati ako."
Mabait sa'kin si Eleanor pero crush ko kasi si Rusco. Binabawi ko narin 'yung iniisip ko kanina na sana sinagot niya agad si Rusco. Next time na lang maging sila kapag nakabalik na ako sa timeline ko.
BINABASA MO ANG
La Calle Real
Исторические романыViolet Manalo went inside an old museum in the street of Calle Real. She offended the paintings and broke the wooden doll of a witch that she didn't know can take her back to the time when the people in the paintings happened. She went into the muse...