Hindi na naalis sa isip ko ang pupuntahan naming party mamaya o sa tinatwag nila dito ngayon na disco. Last na narinig ko ang salitang disco ay sa lola ko pa no'ng elementary ako pero matagal na rin siyang wala na sa mundong 'to.Ang sabi ni Eleanor ay bibilhan niya lang ako ng damit para mamayang gabi dahil wala nang kakasya sa'kin sa mga panlabas na damit niya. Mas matangkad kasi siya kaya hindi talaga kakasya sa'kin dahil mag mumukha lang akong seaweeds o hanger kapag sinuot ko ang damit niya.
Kahit na medyo lutang ako ay madami naman akong nagawa ngayon dahil nakikipag plastikan din ako sa pamilya ni Eleanor. Tulad ng sinabi niya sa akin kahapon ay may mga bisita nga 'yung kuya niya na dadating mamaya kaya tumulong na rin ako kahit na wala akong kaalam-alam sa mga gawaing bahay dahil sanay akong may katulong kami sa dating bahay namin at pati narin sa condo.
Okay naman ang mga kapatid niya parang ako lang din kapag kasama ko ang kapatid ko. Minsan nagka kainisan sila pero hindi naman napupunta sa away talaga. Ako pa nga ang napipikon kanina kasi tawa ng tawa 'yung kuya niya sa'kin dahil hindi daw ako marunong mag hiwa ng sibuyas at mag paapoy ng kalan.
Ano naman ngayon kung hindi ako marunong diba? Parang ewan 'yung kuya niya imbes na tulungan ako ay pinagtawan pa talaga nila akong dalawa ng kapatid niyang bunso. Napagalitan tuloy sila ng ate nila, dasurb sobra.
Sabi ni ate Clarita ay hindi naman ganu'n kalayo 'yung pagawaan at bilihan ng mga damit. Isang sakay lang naman daw 'yun at ma dadaanan talaga ng jeep kaya hindi na si Eleanor mahihirapan pumunta at umuwi.
Pero hanggang ngayon ay hindi pa kasi nakakauwi si Eleanor galing sa boutique na pinuntahan niya mag ta tatlong oras na. Ayaw ko man isipin pero medyo nag aalala nga ako para sa kanya.
Ang tagal niya kasi kaasar siya ha! Minsan lang ako mag alala kaya malaking karangalan na 'to dapat para sa kanya. Aba! Hindi nga ako nag aalala para kay Belladonna na kung tutuusin ay best friend ko na 'yun. Tapos heto akong nag aalala sa isang babae na matagal ng patay sa panahon kung saan ako nang galing!
Hindi ako nag aalala dahil sa friends na kami pero nag aalala ako baka kasi may nangyari ng masama sa kanya doon sa labas e paano nalang ako? Sino na ang tutulong sa'kin dito? Paano na ako makaka balik sa panahon ko kung ganu'n? Kaya hindi siya pwedeng ma pahamak.
Hindi rin naman pwedeng si Rusco dahil kahit na crush ko 'yun ay hindi naman ako bulag at naive para hindi mahalatang mabait lang siya sa'kin dahil ang akala niya ay mag pinsan talaga kami ni Eleanor. Kahit pala sa panahong 'to nag i-exist na pala ang mga lalaking pa-fall.
"Violet bakit ka pa nandirito? Uuwi rin iyong si Eleanor maligo kana muna."
Hindi porket nandito ako sa labas ng bahay at nakaupo sa hagdan ay inaantay ko na ang kapatid niya. Hindi ba pwedeng nag papahangin lang ako ate?
"Okay po ate Clarita shower ako mamaya."
Pasimple na lang akong napairap dahil nakaka pagod din pala maging productive lalo na dito sa panahon nila. Ang swerte ko na pala sa lifestyle ko nu'ng nasa panahon ko ako kasi mabilis at halos high-tech na ang lahat.
"Doon kana din pala maligo sa balon dahil ayaw na ipagalaw ni Julio ang tubig sa banyo kasi para daw sa mga bisita niya iyon mamaya."
Muntik nang tumulo ang laway ko sa kakabuka dahil sa sinabi niya.
"What the heck? Omg! Bakit doon ako maliligo?"
"Alam mo nakakatuwa ka magsalita minsan. Katulad nga ng sinabi ko ay ayaw muna ipagalaw ni Julio ang tubig sa banyo dahil para iyon sa mga bisita niya mamaya. Mag patulong ka nalang muna kay Anton mag-ibig o kumuha ng tubig sa balon dahil meron ding lumang banyo doon sa tabi at pwede mong gamitin iyon."
![](https://img.wattpad.com/cover/276481098-288-k703885.jpg)
BINABASA MO ANG
La Calle Real
Historical FictionViolet Manalo went inside an old museum in the street of Calle Real. She offended the paintings and broke the wooden doll of a witch that she didn't know can take her back to the time when the people in the paintings happened. She went into the muse...