“THAT’S IT? Walong taon, Nate, basta mo na lang itatapon ‘yon?” puno ng hinanakit kong ani.
Basang-basa na ang mukha ko dahil sa patuloy na pag-iyak. Kahit ano’ng gawin kong punas sa mga luha ko ay patuloy pa rin sila sa pagkawala sa mga mata ko. Maski si Nate ay luhaan na.
“Alam kong hindi ka na masaya, Kate. Alam ko ring pagod ka na sa relasyong ‘to. Pagod ka na sa’kin.”
“Pero hindi ibig sabihin na gusto kong tapusin ‘to!” asik ko. “Napapagod ako, oo, pero kinakaya ko naman, ‘di ba?”
“Iyon na nga ang ikinakatakot ko, Kate. Natatakot akong tuluyan kang mapagod at ikaw na mismo ang umalis sa tabi ko. Kaya nga bibigyan kita ng oras na makapagpahinga, ‘di ba? Hindi naman natin tuluyang tatapusin ‘to. Magpapahinga lang tayo.” Mariin ang bawat bitaw niya sa mga salitang iyon.
“Sana gumagawa ka ng paraan para mawala ang pagod ko, hindi ‘yung ganito! Sana gumagawa ka ng paraan para maibalik ang dating tayo!”
“Nawala ba tayo, Kate?” mahina tanong niya. Ramdam ko ang lungkot doon. “O ikaw ang nagbago? I tried everything for you pero hindi naging sapat. Sa gawaing bahay, sumusubok akong tumulong pero nagagalit ka dahil hindi sapat ang ginagawa ko. Sa lahat ng ginagawa ko hindi naging sapat pero inintindi ko ang mga gusto mo. Pero nakakapagod umintindi nang umintindi, Kate. Nakakapagod na ako lang ang umuunawa. Kaya sa palagay ko kailangan natin. ‘to. Kailangan natin ng oras para sa mga sarili natin.”
“Ang dali sa’yong sabihin ‘yan dahil sumubok ka lang naman sa relasyong ‘to!” malakas na asik ko. “Akala mo ba magagawa talaga natin ang maghiwalay nang maayos tulad ng sinabi mo dati?”
Napahilamos siya sa kanyang mukha habang ako naman ay patuloy sa paghagulgol. Ang kaisipang mapuputol ang relayson namin ay ibang takot ang ibinibigay sa akin. Bakit pakiramdam ko kapag pumayag ako sa kanya hindi na siya babalik pa sa akin muli?
“Hanggang ngayon ba iniisip mo pa rin ang bagay na ‘yan? Hindi pa ba sapat ang naipakita kong pagmamahal para burahin sa isip mo na ginusto ko ‘to simula umpisa?” punong puno ng hinanakit na aniya.
Nangatal ang labi ko nang makita ang pagod sa kanyang mukha. Lahat ng inis ko kanina binura ng takot na mawawala siya sa akin.
“N-Nate, please. Hindi ko kayang mawala ka.”
“Pero kailangan natin, Kate. Baka iyon ang kailangan natin para maibalik ang sinasabi mong dating tayo.”
Pagkatapos ng pagtatalong iyon ay umuwi si Nate sa kanila. Ilang beses tumawag si Tita Olivia para itanong kung may problema ba kami pero hindi ako nagsalita tungkol sa paghihiwalay namin.
Nang umalis si Nate doon ko napagtanto na napakababaw pala ng pinag-awayan namin. Kinulang kami sa salita at pang-unawa. Kinulang ako sa pag-intindi. Hindi ko na nakikita ang mga bagay na ginawa niya sa akin dahil puro kilos ko lang ang mahalaga.
Sa walong taong relasyon namin, nag-aaway kami pero hindi namin tinatatapos ang araw na hindi naaayos iyon. Ito pa lang ang away na nabuksan ang tungkol sa hiwalayan. Siguro nga ay napagod na rin siya akin. Siguro isa ito sa pagsubok na ibinigay Niya. Pagsubok na kung malalampasan namin pwede na kaming magpatuloy sa bagong yugto ng buhay namin.
Pero paano namin maaayos ito, kung iba na ang tugma ng puso naming dalawa?
BINABASA MO ANG
The End of Us
General Fiction👩❤️👨 Published under Ukiyoto Publishing: Magkasintahan Volume 28 Kate and Nate are best of friends. Parehong sawi sa pag-ibig noong subukang pasukin ang isang relasyon. May pag-asa nga ba sa kanila ang pagmamahalan na higit pa sa pagiging magkai...