With love, Chassis

1.4K 25 9
                                    

* I N T R O D U C T I O N *

Lalaking, Letter Sender? Hindi mailman a. Nagsusulat siya at ilalagay sa locker o sa upuan mo. Sa bag mo o ipapasok sa bulsa mo.

Paiba-iba ng style 'yung pagbibigay niya, pero huling-huli ko siya sa akto! Mwahaha.

May ganyan sa school namin, palihim lang 'yung ginagawa niya at ako lang ang nakaka-alam.

Hindi niya alam na may naka-alam pala sa lihim niya. Hoho. Intindihin niyo na lang.

Isang araw.. Late akong pumasok sa school.

Habang naglalakad ako sa tahimik naming corridor, nakita ko 'yung crush kong si Chassis :">

Sabi nila, bakla daw siya. Pero ramdam ko namang hindi, may kaibigan kaya akong bakla at alam kong ibang-iba gumalaw si Chassis kaysa sa mga pang-gay gestures. Ang astig nya nga kumilos e. Sobrang cool.

Pansin kong panay tingin niya sa paligid, kaya bago pa niya ako makita ay nakapag-tago na ako sa likod ng poste dito sa corridor, maman-manan ko muna siya. Hoho.

Nakita kong may iniipit siyang sobre sa mga locker O______O Anla! Ano kaya 'yun?

Pero, bakit wala siyang inipit sa locker ko? :<

Nang maka-alis na siya, ay tumakbo naman ako agad 'dun sa locker ng Bestfriend ko.

Tapos may liham na naka-ipit doon. Mabasa na nga :3

Dear Eliz,

I Love You. Matagal na talaga kitang gusto. Sana maka-usap kita mamaya.

With Love,

Micko.

"Shemay! Totoo ba ito?!" agad kong binalik sa ayos 'yung sobre at inipit ulit.

Biglang nag-ring 'yung bell, meaning, recess na.

Sunod-sunod na naglabasan ang mga estudyante. Minamasdan ko sila habang takang-taka sila 'dun sa mga sobreng inipit ni Chassis sa mga locker nila kanina. 'Yung iba naman napapangiti 'dun sa mga binabasa nila.

'Uwaaa! May gusto pala talaga sa akin si JB?!'

'Pre! Langya, nagka-aminan kami ni May!' naririnig kong nagsisigawan sa kilig ang lahat. Bakas sa mga mukha ng lahat ang tuwa. Kung alam niyo lang. Tsssk.

"Hoy! Shallu!" sigaw ng bestfriend kong, kinikilig din.

"Oh bakit?!"

"KYAAAAAA! SI MICKO! OMGG! PAPUNTA NA DITO! TEKA, MAGANDA PA BA AKO!?"

"Oo. Tsss."

Bakit ako wala? T^T Nakaka-asar ka Chassis. Sabagay. Hindi naman niya ako kilala. At umaasa akong sya ang magbibigay sa akin. Pero walanjo, never nang mangyayari 'yun.

"Shallu, hihiramin ko muna 'yung bestfriend mo ha?"

"Ge lang, Micko." sagot ko at nilisan 'yung lugar.

Doon ko napagisip-isip na..

Parang si Chassis 'yung bridge sa pag-iibigan ng bawat isa. Parang kupido lang, pero hindi pana ang ginagamit niya kundi mga sulat. Pati 'yung mga teachers, sinusulatan na rin niya pero hindi 'yung name niya ang nilalagay 'dun. Halos mabigyan na nga niya ata ang lahat sa campus, pwera lang ako.

Kakaiba 'yung ginagawa niya at the same time parang nagsisinungaling na rin siya. Pati rin 'yung mga taong hindi naman nag-sulat nung letter na 'yun ay inaako na rin, na sila ang nagsusulat. Gets? At Biro niyo 'yun? Kailangan niyang mag-sulat ng iba't-ibang letters at mapapansin mo pa sa mga sulat niyang 'yon na hindi pare-pareho ang handwriting. Nakaka-curious siyang tao. Pero dahil sa pagiging misteryoso niya, mas lalo akong nagkakagusto sa kanya.

Pero paano na ako?

Kailan kaya ako makaka-kuha ng liham? 'yung liham na tipong kikiligin at mapapangiti din ako.

'Yung liham na, galing sa taong gustong-gusto ko..

Liham na may pirma sa dulo at naka-lagay doon ang pangalan niya.

'Yung may naka-sulat sa dulo ng letter na..

With Love,

Chassis.

With love, Chassis {Fin.}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon