Letter I - Impossible.

103 6 1
                                    

Pagkatapos nang araw na nag-date kami ni Chassis. Araw-araw na kaming magkasama. Papasok hanggang pauwi ng school eh mag-kasabay kami. Ewan ko nga e. Parang ayaw na niya akong iwan. Wala man kaming titulo bilang magkasintahan pero parang ganun 'yung estado namin. Wala na akong pakialam 'dun basta mahal namin ang isa't-isa.

"Shallu."

"Oh bakit?"

"Kung mawawala ba ako ngayon, anong mararamdaman mo?" hinarap ko siya at nagkatitigan kami.

"Sasaya ako." natigilan siya. "Siyempre joke lang! Malulungkot ako. Tapos iiyak. Iiyak ng iiya---- teka bakit mo ba tinatanong 'yan ha? Iiwan mo ba ako?"

"Ayoko ng magsinungaling pa, Shallu."

"Ch-chassis." parang magbe-break 'yung boses ko.

"Shallu, dalawang araw na lang, matatapos na 'yung misyon ko." tumingin siya sa langit. Unang tambay namin ngayon dito sa open rooftop ng school.

"Pagkatapos 'nun.. aakyat muli ako sa langit para magsulat. Hindi agad ako makakabalik. Ilang libong taon pa pero huwag ka mag-alala, 'yung libong taon na 'yun eh sampung taon lang naman dito sa lupa. Sorry Shallu, kung kailangan kitang iwan. Sorry kung.."

"Chassis!" agad ko siyang niyakap.

Akala ko.. puro saya na lang. Yung taong nagpapasaya sa akin eh siya rin pala 'yung dahilan kung bakit ako malulungkot.

"Shallu.. kahit ilang taon pa. Kahit may mahal ka ng iba..Ikaw pa rin ang nasa puso ko, at hinding-hindi 'yun magbabago. Mahal na mahal kita Shallu." at hinalikan niya ako sa...

labi.

'Yung unang lalaking minahal ko bukod sa papa at kuya ko.. 'Yung unang taong, sasaktan ako. 'Yung nag-iisang lalaking humalik sa mga labi ko.

It was a dream came true, right? No. Not for me.

Every story has it's own ending.

And my story. Our cupidtale?

A hellhole. Oyeas.

Pitiful.

Sad.

Imperfect.

Unfair.

Too unfair.

Human plus Angel? Equals.

Impossible.

With love, Chassis {Fin.}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon