Eh. Sorry po kung maikli lang 'yung update pero I hope.. ma-laman siya. Salamat po sa suporta. Mahal na mahal ko kayo. Muwaaah. Godblessyouall.
Chassis Point of View.
"Chassis. Isama mo 'ko."
Nang marinig ko 'yan, mas lalo akong nalungkot.
Hindi mo alam kung anong sinasabi mo Shallu.
"Shallu, hindi pwede 'yon."
"Chassis.. isama mo na lang ako."
"Hindi tayo pwedeng lumabag sa batas. Mapaparusahan tayo. Wala akong pakialam kung mapaparusahan ako pero ayokong magdusa ka. Ayokong masaktan ka nang dahil sa akin. Ayokong iwan mo ang pamilya mo dahil sa'kin. Ayokong makulong ka sa pagmamahal ko.. dahil pagdating ng araw.. maglalaho rin ako na parang bula. Gusto kong sumaya ka.. sumaya sa piling ni.."
"Thorin?" dugtong niya. Kumirot 'yung puso ko.
Shallu :(
"Chassis.." wala na siyang binanggit kundi ang pangalan ko. Sa bawat pagbigkas niya.. nagiging musika ito sa pandinig ko.
Muli akong pumikit at nag-anyong tao, muli.
Ilang araw na lang.. matatapos na ang misyon ko dito sa lupa at magsusulat muli ako ng mga liham sa langit.
Binuhat ko si Shallu. Nakatulog na siya. Tinitigan ko ang maamo niyang mukha.
Napangiti ako.
Dahil kay Shallu, naramdaman ko ang pag-ibig na 'yan. Akala ko hindi ko na 'to mararamdaman. Pero dahil kay Shallu, napapangiti ako ng ganito. God knows kung gaano kita kamahal. Alam kong maiintindihan din ako ng Diyos kung bakit ko minahal si Shallu ng ganito.
Shallu, gustuhin man kitang isama pero kasi.. hindi ka para kay Chassis, hindi ka para sa'kin.. dahil simula pa lang ng isilang ka..
May tao na talagang nakalaan para sayo..
BINABASA MO ANG
With love, Chassis {Fin.}
Fantasíachassis will you please give a little time to me? or just give me love-