Letter E - Expectation.

121 6 1
                                    

Shallu's Point of View.

So 'ayun. Bawat araw mas lalong nagiging weird yung pakikitungo sa akin ni Chassis. Alam niyo 'yun? Kinikilig akoooo. Ang kaso sana 'yung pagiging sweet at caring niya sa'kin eh more than friends 'yung meaning kaso hindi e. Friendzoned ang drama ko. Tapos kung nagiging weird si Chassis mas nagiging feeling close naman sa'kin si Thorin. Pero okay lang dahil MEDYO crush ko siya. Medyo lang naman e. Si Chassis pa rin naman.

"Shallu?" sabay abot sa'kin ni Chassis ng milktea. Waaaaa. Nakakakilig right? Ang sweet niya sakin. Super. Kita niyo 'yun? Hindi naman ako nanghingi o nagpalibre pero binili niya sakin ito. Omg.

"Thank you Chassis!" At niyakap ko siya.

Haay. Mahal ko talaga siya e. Oo. Mahal ko na si Chassis. Tinatanggi man ng isip ko pero sumasang-ayon naman 'yung puso ko. Bakit kasi hindi pa kami panain ng kupido? Bakit? Hindi ba kami ang para sa isa't-isa? :( No. Ayoko. Gusto ko siya. Si Chassis lang.

"Oyy Chassis! Hi Shallu!" Nakanang. Si papansin slash feeling close. Oh yeah. Medyo inis ako sa kanya. Eh kasi naman e, yung nagkakaroon na kami ng momentumbels ni Chassis eh bigla namang nasulpot 'tong si Thorin na parang kabute. Psh.

"T-Thorin." wika ni Chassis. Medyo nagiging awkward nga kapag magkasama kaming tatlo.

"Hi." Plain kong bati. Ano ba 'yan. Kahit na nakakaasar siya eh ang cool pa rin niya. I just can't. Augh. I cannot. Phew.

"O sige. Iwan ko na kayo." saad nito at umalis na. Anyare 'dun? -.-

"Shallu."

"Uhm?"

"Kasi may sasabihin ako.."

"Ano 'yun Chassis?"

Medyo nataranta siya. "Ah mamayang uwian ko na lang sasabihin sayo Shallu. O sige. Mauna na ko ha? Pasensya na talaga." saka siya tumakbo. Weird. Anong nangyayari sa mga tao ngayon?

"Hoy Bruha!" hinampas ako ni Shomba sa balikat.

"Oh bakit Shomba?" -_____-

"Wow Friend! Pinaliligiran ka ng mga gwapos! Hoho! Lumevel up ang beauty mo day!"

"Ewan ko sayo Shomba. Maghanap ka na lang pwede mong takutin." at iniwan siya. Fuuu~

"Ho-hoy!" rinig kong sigaw niya.

Naglakad lang ako patungo sa classroom namin ng makita ko si Valentine, nakita naman niya ako tyaka siya tumakbo. Hinabol ko siya.

Bakit niya ako tinatakbuhan?

"Valentine!" sigaw ko. Pinagtinginan tuloy ako ng mga tao dito sa hallway. "Valentine teka lang!" sigaw ko ulit. Grabe. May special power siguro ako kaya nakakakita ako ng mga angels slash cupids.

Hanggang sa mahabol ko siya. Hinawakan ko yung braso niya pero bigla na lang siya naglaho. Tama, anghel nga pala siya na anytime pwedeng mag-inividible, mawala o maglaho.

Bakit? Bakit niya ako iniiwasan? :(

Haay. Ikekwento ko sa inyo yung tungkol 'dun sa panaginip ko na alam kong totoo. Ay ang gulo.

F L A S H B A C K .

"Shallu. Halika. Sumama ka sa'kin." Paulit-ulit kong naririnig sa kanya pero nakahawak na ko sa mga kamay niya. Hinihila niya ko kung saan hanggang sa may nakita ako.

Parang nasa langit ako. Makakapal na ulap. Masyadong masilaw 'yung lugar. May gintong pinto. Pumasok kami doon. Ang dami. Ang daming anghel.

"Dito ako nakatira, Shallu. Lugar ito ng mga kupido. Puro mga cupids lang ang makikita mo dito. Sa kabila naman 'yung guardian angels at ibang klase pang mga anghel." Edi madami pa lang uri ng mga angels? Wow!

Napasinghap ako ng makita kong lumulutang ako. Nakayapak ako at nakaapak sa ulap. Ganun din si Valentine. Nakangiti lang siya. Nginingitian ang bawat cupids na nakakasalubong namin.

"Mababait sila Shallu. Kita mo 'yun? Siya si Florae. Yung lider ng Florids. Isa siyang cupid kung saan 'yung gawain niya ay ipamulaklak ang mga bulaklak sa mundo. Iyon naman si Memorelle. Siya naman 'yung pinuno ng Memorids. Sila 'yung nagpapabalik ng mga masasayang memories sa isang magkasintahang nag-aaway o nagkahiwalay na hindi naman dapat. Kumbaga isa siyang cupid for reconciliation."

"Wow." 'yun lamang ang naibulalas ko. Ang dami palang cupids. Uri ng cupids. Woah.

Naglilibot kami sa lugar nila hanggang sa may nakaagaw ng atensyon ko. "Val! Eh anong tawag sa kanila?" tanong ko.

"Yung may mga sulat na hawak? Sila 'yung mga letter-sender cupids. Gumagawa sila ng sulat.. at ibibigay sa bawat taong may lihim na pagtingin sa isa't-isa o sa mga taong karapatdapat para sa isa't-isa."

"Letter sender?" Haha. Parang si...

"Parang si Chassis!" Natawa ako. Ganun din siya.

Oo, nga parang si Chassis. Ang kaibahan lang tao si Chassis. Haha.

"Yung mga letter-sender cupids ay may kakayahang mag-anyong ta-----" napahinto siya ng may lumapit sa kanyang isang babae. Chinita. Waaaaa. Ang cute niya.

"Val! Sino siya? Mukhang siya 'yung pangalawang tao na nakakita sayo ah." Pangalawa? Edi may nauna pa sa akin?

"Ah oo e. Si Shallu. Shallu, si Gumarela. Isa siyang florid ." Ah. I see. Halata naman e. Dahil may gumamela siya sa may tainga.

"Hi Shallu! Ikaw ba 'yung may gusto kay Ch----" at hindi ko na siya maintindihan dahil tinakpan ni Val 'yung bibig niya.

Tumawa lang ako hanggang sa maya-maya rin ay..

E N D O F F L A S H B A C K.

At doon na nga. Bigla na lamang akong nagising. Akala ko panaginip pero totoo pa lang nakapunta at sinamahan ako ni Val sa mundo nila. Sa mundo ng mga cupids.

Tumungo ako sa locker ko nang may nahulog na manipis na papel. Pinulot ko ito..

sulat?

Baka galing na kay Chassis to! Yung tuwa ko eh napalitan ng lungkot ng ito'y mabasa ko. Hindi ko na sasabihin kung ano 'yung nakasulat pero isa lang ang ikinabigat at ikinasakit ng damdamin ko.

With love, Thorin.

Chassis? Ikaw ba ang naglagay ng sulat? Ayoko. Ayokong isipin. Oo, siguro hindi ikaw. Siguro si Thorin o ibang tao. Basta hindi ikaw. Ayoko kasing isipin na..

Hindi mo ako gusto at ipinapartner mo ako sa iba.

Chassis. Ilang araw, linggo at buwan akong naghintay sa sulat mo.. pero ito ang mababasa ko? Hindi ko inaasahan, Chassis. Expectations leads you to dissapointment ika nga nila.

Humagulgol ako ng iyak. Isang iyak kung saan nilalabas ko yung galit ko sa sarili ko. Yung inis ko.

Eh kung umamin kaya ako sa kanya tungkol sa totoong nararamdaman ko?Bakit kasi ang torpe ko?! Nagpapaka-dalagang filipina lang naman ako e. Hindi ko siya crush. Mahal ko siya. Mahal ko si Chassis. Kung sakaling sabihin ko kaya sa kanya.. may magbabago kaya? Mapapalitan ba yung...

With Love, Thorin.

ng..

With Love, Chassis?

Sana. Sana.

Napapikit na lamang ako at napahagulgol muli kasabay sa paghagulgol ko ay ang tuloy-tuloy na pag-agos ng aking mga luha.

Chassis. Chassis Ferreal. Mamahalin mo rin kaya ako gaya ng pagmamahal ko para sa iyo?

With love, Chassis {Fin.}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon