Letter H - Happiness.

101 5 2
                                    

Valentine's Point of View

Isinara ko na ang mga ulap. Hindi ko kaya ang mga nakikita ko. Hindi na. Mas lalo akong nasasaktan. Ayokong magkasala sa Diyos. Dahil sa tuwing makikita ko pa silang nagkakaganyan, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at panain sila para sa isa't-isa.

Ayokong saktan si Chassis. Pati na rin si Thorin. Pareho nilang mahal si Shallu. Kung papanain ko para sa isa't-isa si Shallu at Chassis, paano na si Thorin?

Hindi ko kayang magkasala. Haay. Sana naman may maitulong ako..

Shallu's Point of View.

Ang sakit ng ulo ko tapos pakiramdam ko pa, ang lagkit lagkit ng mukha ko. Para umiyak ak------

Agad akong napabangon.

"Oh Lusha! Buti naman at gising ka na. Grabe ka taba! Hindi ka na nahiya kay Chassis! Binuhat ka lang naman niya pauwi dito habang tulog ka. Tsk. Kaw talaga!" sabay gulo ni Kuya sa buhok ko.

"Po? Binuhat niya ako pauwi? Pero.."

"Oo nga kulit mo talaga baby fat. Nagpaalam rin siya kung pwede ba daw kayo lumabas bukas. Psh. O tuwa ka na niyan? Alam ko. Ngiting-ngiti ka o."

Napangiti ako. Kahit na medyo mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Yung mga nakits ko kanina? Alam kong totoo 'yon lahat..

"Ah, okay lang sa inyo na lumabas kami?"

"Oo. Mapagkakatiwalaan naman si Chassis e." sabi ni Kuya at inabutan ako ng plato na may kanin at siyempre ulam. "Kumain ka na taba. Wag pagugutom. Malalagot ako kay Itay at Mommy." sabi pa nito at nagtungo sa kusina.

Anghel.

Nagmahal ako ng isang anghel? Mali. Nagmamahal.

Ngumiti ako pero may luhang tumulo.

"Luh. Ano ba 'to." sabi ko sa sarili ko at pinahid yung luha.

Hindi ko napansin na nakakuyom pa rin 'yung kanan kong kamay. Pagtingin ko sa kung anong hawak ko..

Isang white feather.

Totoo nga :)

<<<<<<<<<<

Valentine's Point of View

Pinuntahan ko si Chassis sa bahay niya at nakita ko siyang may sinusulat.

"Ate." sabi niya pero nakatuon pa rin 'dun sa sinusulat niya.

"Chassis. Sorry kung wala akong magawa para matulungan ka."

Iniangat niya 'yung ulo niya at tumingin sa akin.

"Okay lang, Valentine." at ngumiti pa siya.

Paano siya nakakangiti ng natural? Na alam ko namang nasasaktan pa rin siya. Haay, Chassis.

"Alam ko na.. diba magdedate kayo ni Shsllu bukas?"

"Haha. Pati 'yun alam mo." natatawa pa siya.

"Siyempre naman."

"Oh anong gusto mong mangyari sa date namin bukas?"

Lumapit ako sa kanya at binulong ang plano ko.

Shallu's Point of View.

Nag-ayos na ako. Naka-tight jeans lang ako, kulay gray, tapos sleeveless sa loob then nakasuot ako ng color peach na cardigan then doll shoes. Simple lang.

Ilang minuto na lang at dadating na si Chassis. Bi-fishtail ko 'yung buhok ko. Maya-maya..

*Tok tok

With love, Chassis {Fin.}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon