Letter F - Flabbergasted.

120 5 1
                                    

Magkikita kami ni Chassis ngayong uwian. Siguro, mamaya. Aamin na rin ako. Wala nang urungan pa. Basta maamin ko lang yung nararamdaman ko para sa kanya. Kahit na alam ko.. magkakaroon ng awkwardness sa pagitan namin. Selfish na kung selfish. Love or friendship? Wala. Ayoko lang na itago ko pa tong feelings ko. Masyado ng mabigat. Nahihirapan na ako.

"Shallu!" kaway sa akin ni Chassis mula sa malayo. Dito nga pala 'yung tambayan namin sa mini park dito sa subdivision.

Ngumiti ako. Haha. Ang plastic ko. Di ako sanay na ngumiti ng peke. Pero kailangan ipakita kong masya ako. Baka mahalata niyang umiyak ako. Medyo mugto pa rin ang mga mata ko e. Lintek na pag-ibig oo.

Nang makalapit na ako. Aish. Sabi na nga ba e.

"Umiyak ka?" nag-aalala niyang tanong. Sabi na nga ba. Kahit kailan, hindi na ako makakapag-lihim sa lalaking ito. Kilala niya na ako. Pero siya.. bakit ganun? Kahit na hindi ko pa siya gaanong kakilala, ang gaan at ang saya lang ng pakiramdam ko kapag kasama ko siya. Kahit na puno pa siya ng misteryo para sa akin.

Iiling pa sana ako para sabihing hindi ang kaso, kusa ng tumulo ang mga luha ko. :(

"Sh-Shallu?" pinaupo niya ako sa bench at niyakap.

Sana, ganito na lang palagi. Yung palagi kang nakayakap sa akin. Yung hindi mo ko iiwan. Sana ganito na lang palagi.

"Cha..ssis." sabi ko sa pagitan ng aking paghikbi.

"May sasabihin ako sayo.." dagdag ko. It's now or never.

"A-ano yun, Shallu?" magkayakap pa ein kami.

"Ipangako mo.. na kapag sinabi ko iyon eh hindi nagbabago ang pakikitungo mo sa akin."

"Pangako, Shallu." Napahagulgol na naman ako. Bakit ang bait-bait niya? Ang saya ko lang kapag kasama ko siya.

"Chassis.. may.. gusto ako sayo. Alam mo 'yun pero kasi.. mahal na kita. Mahal na kita Chassis."

Ewan pero nung masabi ko 'yan eh nanigas siya at natigil 'yung paghagod niya sa likod ko.

"Ano ulit Shallu?" wika niya.

"Mahal kita, Chassis." Oh yeah. This is really heart-breaking..

"Shallu.. ano kasi."

Kumalas ako.

"Okay lang.. hindi ko naman sinasabing mahalin mo rin ako ang akin lang maamin ko sayo 'tong nararamdaman ko."

--------

Valentine's Point of View

Tanaw ko mula dito sa langit.

Umiiyak si Shallu. Umiiyak siya dahil sa isang cupid. Dahil sa kapatid ko.

Gusto ko man silang pasayahin. Pero ayokong lumabag sa batas naming mga anghel. Mortal at immortal? Hindi maaari. Hindi pwede.

Ang tao ay para sa tao. At hindi tao ang kapatid ko. Isa siyang anghel. Anghel na tagapag-hatid ng sulat. Anghel na tumutupad sa kanyang misyon at kahit kailanman, wala sa misyon nito ang mahulog ang loob sa isang tao. Pero sino nga ba tayo? Ipinanganak kami. Ipinanganak kayo na may pagmamahal. Hindi lang tao ang nagmamahal, mapahayop man o anghel din.

Ipinahid ko ang dalawang luhang tumulo mula sa kaliwa kong mata. Akala ko hindi ako iiyak. Akala ko puro kasiyahan lang ang mararamdaman ko pero nagkamali na naman ako. Dahil kay Shallu at kay Chassis. Dahil sa pagmamahalan nila.. umiiyak ako.

Bakit kasi pinagkaitan pa sila?

---------

Shallu's Point of View

"Shallu." nakayuko siya.

"May aaminin ako sayo." Bigla akong kinabahan. Ewan. Pakiramdam ko, mas masasaktan ako. Mas iiyak ako.

Tumayo siya. Tumingin sa langit at pumikit..

Halos manlaki at lumuwa ang mga mata ko sa nakikita ko.. Nakakagulat.

May halo siya. May pakpak siya. Nakaputi siya. May gintong string sa damit. May dalang bag at puro sulat. Naka-gladiator shoes. Maamo ngunit malungkot ang mukha. Magkaparehong-magkapareho sila ni Valentine.

"Shallu. Mahal kita. Mahal na mahal. Pero kahit anong gawin ko.. kahit anong pilit kong maging tayo.. wala ring mangyayari dahil tao ka, at anghel ako."

Linya niya na ikinasaya ko pero mas ikinaiyak ko.

Diyos ko, bakit po ganun?

Mahal ko siya. Mahal niya rin ako. Pero 'yun pala..

Tao ako at anghel siya.

Ano pong laban ko 'dun?

Umiyak ako. Mas napahagulgol.

Niyakap ko siya. Ang lambot ng mga pakpak niya. Ang bango-bango niya. Para siyang flourescent light. Masyado siyang nakakasilaw.

Napapikit ako. Hindi ko na ikinagulat kung ano man ang lumabas mula sa bibig ko..

"Chassis. Isama mo 'ko."

With love, Chassis {Fin.}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon