E p i l o g u e.

152 12 4
                                    

Ano sa tingin niyo? Sad o happy? Sana napaiyak or nakaramdam kayo ng lungkot at saya 'dun sa mga past chapters. Sana naman medyo nainspired kayo sa storya.

Ito 'yung first fantasy story ko. Ilang beses ko ng sinubukang magsulat ng mga fantasy na storya kaso wala talaga akong maisip puro multo, demons, vampire or something-chuchu ang naiisip ko then ilang buwan.. BOOM! Tama. Cupids! Isang cupidtale. Mwehe.

 --------> TINGIN PO KAYO SA MAY MULTIMEDIA SECTION :>

Sana magustuhan niyo po. Hindi ako magaling sa pagsulat ng epilogue. As in, kaya sana po magustuhan niyo. Gaya ng epilogue ng iba kong storya.. mayroong nakasulat na..

Don't expect too much po >_____<

 S H A L L U ' S .

"Sayang naman Shallu. Hiwalay na kayo. Paano si Charrin?"

"Oo nga Shallu. Akala namin kayo na. Pagkatapos niyo kasing ikasal eh ang saya-saya mo."

"Ano ba naman kayo. Limang buwan na ang nakalipas. 26 na ako. May anak na akong 3 years old. Feeling ko, kompleto na ang buhay ko. Masaya na rin si Thorin sa bagong pamilya niya. Sadyang hindi lang talaga siguro kami ang para sa isa't-isa. Napana man kami ng kupido, tinadhana man kami pero para sa Diyos, hindi kami ang dapat magsama."

"Haay. Kung sabagay friend."

"Shomba, ganun talaga."

Bigla ko na naman siyang naalala. Ipinakita niya sa akin kung paano mabuhay ng wala siya. Ipinakita niya sa akin na hindi lang siya ang dapat kong mahalin. Ipinakita niya kung paano niya ko kamahal.

F L A S H B A C K.

10 years ago..

Huling araw na ni Chassis sa lupa. Bago pa nito, eh nagi-iiyak ako sa kwarto ko. Pilit kong sini-sink in sa utak ko na iiwanan niya ako. Na maglalaho na siya sa aking paningin.

"Chassis. *huk." Iyak ako ng iyak. Ayoko nang bitawan pa ang mga kamay niya. Yung malambot niyang mga kamay.

"Shallu." ngumiti siya. Nakakayanan niyang ngumiti?

Nasa rooftop kami. Magdidilim na pero parang bumubukas 'yung langit na siyang dahilan kung bakit medyo maliwanag pa rin.

"Shallu, buksan mo ang mga mata mo. Gusto ko makita mo na hindi lang ako ang taong nagmamahal sayo. Marami sila. Pamilya mo, mga kaibigan mo at si Thorin. Ayokong mabuhay ka na anay ang pag-iyak nang dahil sa'kin. Na kaya ka malungkot ay dahil sa akin. Masakit 'yun. Masasaktan ako. Alam mo naman diba? Trabaho namin ang magpasaya. Ayoko na nakikita kitang malungkot. Shallu, sinasabi ko ito, hindi dahil sa natutuwa akong aalis na'ko at iiwan na kita. Hindi ganun. Sinasabi ko ito dahil mahal na mahal na mahal kita." at hinalikan niya ako sa noo.

Iyak lang ako ng iyak.

Pagkatapos nito kapag wala na si Chassis? Ano ng mangyayari sa akin? Mawawalan na rin ata ng saysay ang buhay ko.

"Shallu. Nandito ka sa mundo dahil binigyan ka ng pagkakataon ng Diyos para mabuhay. Para magmahal kaya sana huwag mong sisirain ang buhay mo. Malulungkot kaming nga kupido dahil kahit anong nais naming maging tao at mabuhay ng normal eh walang mangyayari.. Salamat sa lahat Shallu. Mahal na mahal kita." at niyakap niya ako ng sobrang higpit. 

Bumukas na naman ulit ang langit. Umihip ang hangin. Unti-unting umakyat si Chassis sa langit hanggang sa magsara na nga ito.

"I love you, Chassis." bulong ko sabay pumikit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

With love, Chassis {Fin.}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon