Lumayas ka rito at huwag kang magpapakita! sigaw ni Andrea
nang hapon ding iyon ay hawak hawak ni Monica ang plastic bag na puno ng laman na puro mga damit niya.
humihikbi habang naglalakad ito.
meron pa siyang limang libo sa kanyang pitaka. nagpunta siya sa malapit na botika at nagtanong ngpay phone.
pinunasan niya ang kanyang luha at ngumiti sa tindira ng iabot sa kanya ang telepono.
agad itong nag dial. Isang ring pa lang ay may sumagot na sa kabilang linya.
"Good morning, may I speak with Nycha? I'm here, sister, and I need her help"
" wait a moment"
ilang minuto lang ang kanyang hinintay.
" oh bakit napatawag ka?"
"pupunta ako diyan, ikukwento ang lahat pagdating ko diyan"
dalawang buwan ang dumaan
ang lihim nitong pag aaply sa ibang bansa ay may resulta na.
tinawagan siya ng kanyang employer at may kontrata kasabay ng ticket. kailangan na siya doon dahil may dalawang umalis na titser at hirap makahanap ang school ng kapalit.
"Aalis na ako, mamimiss ko mga pamangkin ko syaka ikaw. tatawag ako pag dating ko doon"
"tita mag ingat ka doon ha" ani Sasha habang sumisinghot singot sa pag iyak
"Oo, kayo rin dito. Tigilan na ninyo ang pag aaway ninyong tatlo ng dahil lang sa laruan. Ikaw Sasha pagbutihin mo pag aaral mo. Sheena limitahan mo paggamit ng cellphone. mag aral at tumulong sa gawaing bahay bago mag cellphone. Sanya huwag iyakin papasok ka na. dapat bibo."
"opo" sabay sabay nilang binanggit
"Tita tsokolet ah tapos make up" ani Sanya
Ginulo ni Sheena ang bangs ni Hilga " Ito hindi pa nga nakaalis si tita may pinapabili na agad." aniya
"Hindi ko naman sinabi na bilhin niya agad eh. Pinapauna ko lang" pagsusungit ni Sanya
"Di pa ako naka alis mag aaway na kayo eh"
Nagyakapan ang apat.
Siya na mismo ang kumalas sa yakap ng magka kapatid.
"Aalis na ako" aniya.
Hindi na siya lumingon pa. Diretso ito papasok sa loob ng airport. Pigil ang luha niyang naglalakad.
"Mamimiss kita " atitani Sasha
Niyakap siya ni Nycha at Sheena. "Andito naman kami. Tyaka magtatrabaho si tita para may pagkain tayo at sa pag aaral natin. Huwag ka na malungkot. Uuwi din si tita" pag aalo ni Sheena
A. R. R. I. V. A. L
"Welcome to Spain Monica!!!!"bulong niya sa sarili at malapad ang ngiti sa kanyang labi.
Sinundo siya ng sasakyan ng hotel na kanyang titirhan habang ito ay nasa bansa.
Nag aayos siya ng gamit ng tumunog ang cellphone nito.
"Buenas noches, this is Silvia from Doñia Catalina school, is this Ms. Monica Serrano?"
"Si"
YOU ARE READING
You Owned me
Romanceanother story guys. hope I will get the same support as you support me to my recent stories😘🤗