The Day

109 8 0
                                    

Oppa: Ngayon na nga pala ang araw ng game niyo. Handa na ba kayo?

All: NE!

Oppa: Leaders, lumapit kayo kay Host To Ni.

Lumapit yung apat na leader kay Host.

Kris: Oppa, ito na ba talaga ang pag-kakataon na mabugbog ko tong baba bully na to?

Host: Hoi anong baba bully? Kelan ko ba nilagari yang baba mo? Kelan? Kelan?

Suho: Host, pag-nag-scoop ka ng 1 scoop, 1 sachet na rin yun. Ganon yun. Panigurado, babalik ang bounce nun, in just 3 minutes. (Sabi ni Suho ng patango-tango pa.)

Ashlyn: Yung totoo Suho, nag-e-endorse ka ba? May Downy, may Palmolive may Pantene pa. Wala ka bang konsensya diyan para naman may Safeguard na?

Oppa: Suho, dapat pala may side job ka rin noh? EXO na, endorser pa. Aba, bentang benta ka na nun.

Kris: Oo nga noh Oppa?! Suho, subukan mo nga maging endorser ng Cherifeer. Para pag-tumangkad ka, maging sikat yun. Baka pati si Dagul itigil na yung pag-kain ng Star hotdog na may palamang Star margarine at lumipat na sa vitamins na yun. (Natatawang sabi ni Kris.)

Host: Ikaw Kris, bagay ka mag-endorse sa bulldog superglue.

Kris: Bakit na naman?

Host: Para maniwala silang madikit yung super glue na yun dahil yung BABA mo, dikit na dikit, ayaw masira ayaw pa maputol.

Kris: YAN BA YUNG SINASABING HINDI BABA BULLY? BAKA GUSTO MONG ITUSOK KO NA TALAGA SAYO TONG BABA KO!

Host: L-luh! J-joke lang. D-di na mabiro. Honest lang ako.

Kris: Pag-ako talaga naging endorser ng Bulldog super glue na yan. Tandaan mo Host To Ni, ipapahunting kita sa nga bulldog at ipapalapa. Tapos, yung mga buto mo, ipapaglue ko sa buong sulok ng full house ni Oppa.( naka chin up na sabi ni Kris.)

Lay: (sumingit sa gitna nang nag-aaway na Kris at Host) Sa pag-kakaalala ko, may game na gagawin ngayon at hindi ang mag-endorse. Kasi kung yan lang ang gagawin niyo mag-hapon, mas mabuting mag-alok na lang kayo ng promong Ariel. Yung tig-7.50.

Oppa: Paminsan minsan din pala Lay, may pakinabang yang memory mo. Hindi lang pala chismis naaalala mo. Bibigyan kita ng award na most Smart.

Lay: Huh? Bakit Oppa?

Napa-Hayys na lang si Oppa. Lay, ang cute ng memory mo noh? Nag-kakaamnesia ka kaagad.

Oppa: Host ipaliwanag mo na ang mechanics ng laro.

Host: Ok. Ang mechanics ng laro ay mag-lalaro kayo.

Xiumin: Nakaka-Grrr ka Host. Kaya nga game kasi mag-lalaro ka eh.

Host: #PatapusinMoAko. May nakatagong 3 dragon balls na kailangang mahanap niyo. Ang dragon balls na yun ay nakatago sa bawat sulok ng bahay. Ang dragon balls na yun ay may palatandaan ng kulay ng team niyo. Pwede kayong mag-hiwa-hiwalay para mahanap ang dragon balls na yun. Ang makakumpleto ng dragon balls na yun ang siyang grupong mag-wawagi.

Baekhyun: Bakit, pag-nakumpleto mo naman talaga yun, panalo ka eh. Understood na yun host.

Host: Ang UNANG grupo na makakumpleto ay pupunta sa basketball court para hanapin ang flag nila. At ang makadala at makabalik dito na may dalang 3 dragon balls at flag, ang mananalo. Ready guys?

All: HINDI PA!

Host: Hana, Dul, SET!

Nag-silabasan na ang lahat sa conference room at nag-hiwalay-hiwalay para mahanap ang dragon balls na yun.

EXO ON PBBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon