CHAPTER 18

155 10 2
                                    

A/N: Hi guys! New update nanaman alam ko late update na kaya sana pagpasensyahan. Haha sa mga naghihintay THANK YOU po ng marami. And sana magustuhan niyo tong chapter na ito pagpasensyahan niyo na din kasi hindi masyadong nagprocess nang maayos yung utak ko kaya ito ang naisipan ko hehe! Sige start na nang pagbabasa. ENJOY!

Chapter 18: Unexpected Photo

BRAYLEE'S POV

Hayy pinakanakakatamad na araw sa buong buhay ko. Akalain niyo ba naman may exam kami next week tapos ngayong week 6 projects ang kailangan i-pass? Like, seriously? Ugh! Nakakainis naman!! Puro research pa mandin! And mas worst...

"KHEIL!!! " ugh!

"Irene!! Ano ba!! Nakakabingi ka naman ehh!! " pagmamaktol ko dito. Eh pano ba naman naiinis na nga ako tapos manggugulo pa siya? Nakakabingi kaya!

"Hihi! Sorry! " sabi niya sabay peace sign.

"Tss." yun na lang ang nasabi ko since badtrip naman ako.

"So pano yung project niyo ni Ash? " sabi niya sabay ngiti nang nakakaloko.

"Tss." yun na lang ulit nasabi ko. Eh bakit ba? Badtrip nga ako eh!

"Ohhh badtrip na badtrip tayo ah." sabi naman nito at tinabig ako sa tagiliran ko. Tsk tsk tsk! This girl really! Mapang-asar wagas!

"Ano ba Irene! Tigilan mo nga ako! Nababadtrip na nga ako eh! Dinadagdagan mo pa! Tsk! " sabi ko sa kanya at nagmadali akong naglakad. Yeah naglalakad kami ngayon papunta sa next class namin sa kabilang building.

"Oh sige na nga! Titigilan na kita baka kung ano pang magawa mo sa akin. And by the way anong plano niyo ni Ash? " tanong niya. Ayan nanaman narinig ko nanaman yang pangalan na yan! Argh!

"Oy Kheil! Teka! Ano ba! Wag mo nga akong iwanan! Ya!!! Bumalik ka!! Hindi pa ta--- " hayy ayan nakalayo na din sa kanya. Kakasabi lang na titigil na nagsasalita pa! Tsk.

*bzzzzt*

Hala sino naman kaya tong nag-text? Kinuha ko agad yung phone ko at tinignan kong sino yung nagtext. At pagkakita ko nabadtrip nanaman ako. Aish!

[From: Ashford

Meet me at the garden later after classes. Let's talk about our project.]

Great! Ito na nga ba sinasabi ko eh. Bakit naman kasi yung professor namin kailangan pang ipartner kami sa ibang block. Tsk ayan tuloy kasama ko nanaman yung lalaking yun. Oo ito ang dahilan kung bakit badtrip na badtrip ako ngayon. Eh bakit kasi pwede namang iba ang makapartner ko bakit siya pa? What's the meaning of this? Ugh! Iniisip ko pa lang naiinis na ako! Hmp makapasok na nga sa next class ko. Habang naglalakad ako papuntang next class ko nadaanan ko si Gale Whale na naglalakad din kasama ang mga alaga niyang isda. Pero joke lang tao naman mga kasama niya kahit papaano.

"Oh look who's here.. the bitch is here." yan ang sinabi niya sa akin sabay smirk. Di ko na lang siya pinansin baka kasi kung anong magawa ko sa kanya badtrip pa naman ako ngayon. Kaya ang ginawa ko dinaanan ko lang siya at ang mga isda niya.

"Huh! Matapang ah! Tignan natin. Looks like anyone is in trouble." sabi niya. Tss trouble mo mukha mo.

Papasok pa lang ako sa next class ko pinagtitinginan na ako ng mga kaklase ko. Ano problema nang mga toh? Makatingin sila para namang bago ako dito.

"Diba yan si Braylee? "

"Oo siya nga yan! "

"Ugh! bakit magkasama sila ni Ash my loves ko? At gabi pa nun ah. Ano kayang ginagawa nila dun? "

Mr. DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon