CHAPTER 8

140 7 2
                                    

CHAPTER 8: His Game

BRAYLEE'S POV

"KYAHHHHHHH!" sigaw ko kay Ate Carol.

"Shhhhh. Baka marinig ka nila diyan." sabi niya. Ehhhhhh kinikilig kasi ako sa sinabi niya.

"Ate dalaga ka na." pang-aasar ko sa kanya.

"Che! Matagal na! " sabi niya. Grabe first time kong narinig kay Ate yun. Curious ba kayo sa sinabi ni Ate Carol? Sabi niya... may nagugustuhan na daw siya... ehhhh kinikilig ako first time lang kasi ni Ate magkagusto sa isang lalaki. Hihi ang OA ko noh? Haha pagpasensyahan niyo na ako.

"Oi! Andyan ka pa ba? " bumalik ako sa katinuan ko nung nagsalita siya.

"Opo nandito pa po ako." sagot ko sa kanya.

"Ah sa totoo lang nakita mo na yung sinasabi ko eh." sabi niya.

"Huh? Sino po? " tanong ko.

"Yung sa mall and my first kiss remember? " tanong ko sa kanya. Napalaki naman mata ko.

"Ate iba na yan! " sabi ko.

"Tahimik! " sabi niya napatahimik tuloy ako.

"Oh sige Kheil sa susunod ulit tayo mag-usap gabi na rin eh and may pasok ka pa bukas diba? " sabi niya.

"Sige Ate. Basta i-update mo ako sa crush mo ah." sabi ko sa kanya. Akmang sisigawan na niya ako pero inunahan ko na siya.

"Bye Ate! " sabi ko tapos binaba kaagad yung phone ko baka masigawan niya pa ako eh.

...................

The Next Day

Ayan na tayo pagkapasok ko pa lang sa gate ng school ang sasama na ang tingin sa akin. Nakakainis lang!

"Ano nakapag-isip ka na ba ng plano mo? " tanong sa akin ni Irene. Nasa garden kami ngayon tambay-tambay muna bago ang first class namin. Oo parehas kami ng first class namin.

"Wala pa eh..." sabi ko ng nakayuko.

"Eh kung kausapin mo kaya si Ash para sabihin niya na hindi totoo yun." sabi niya.

"Ehh? Parang close naman kami nun eh? " tanong ko.

"Bahala ka nag-suggest lang naman ako ah." sabi naman niya. After nun katahimikan ulit hanggang sa pumasok na kami.

Sa tingin niyo ba kailangan ko bang kausapin si Ash at magtulungan kaming matapos itong kasinungalingan na to? O wag na lang kaya nakakahiya namang kausapin siya baka sabihin niya nakiki-FC (Feeling Close) ako sa kanya. Wag na lang ako na lang ang gagawa ng paraan.

"Braylee ito yung papers na natapos ko ikaw na ang---"

*Pak*

Nagulat ako dahil nung papunta na ako sa upuan ko tumayo bigla si Ash at binigay yung papers para sa project namin. At ang grabe pa... Jongina nasampal ko siya! Ang baliw mo Braylee! Nasampal mo si Ash! WAHHHHHH! BRAYLEEEEEE ANG BALIW MO!!!!

"What the..." napatingin ulit sakin si Ash habang hawak niya yung kaliwang pisngi niya.

"Woah nag-aaway ba sila? " Girl 1.

"Kyahhhh ito na ang pinakahihintay ko mag-bebreak na ata sila." Girl 2.

"Ang bilis naman kahapon lang natin nalaman na sila ng dalawa eh." Girl 1.

Mr. DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon