CHAPTER 9

130 8 0
                                    

CHAPTER 9: Two-timer?

IRENE'S POV

Yay! Thank you Author nagkapart din ako sa story na to ahihihi. Ok back to reality last class ko na ngayon nagdidiscuss si Ma'am ako naman si mabait na student nakikinig ako. Natawa ako dun sa kwento sa akin ni Braylee kanina yung sabay kaming pumasok sa mga class namin. Pano ba naman nasampal niya daw si Ash! Ang epic diba? HAHAHA natatawa nanaman ako. Hmm makatigil na nga.

"Okay class that's all for this afternoon." sabi ni Ma'am ibig sabihin... Yay uwian na! Mapuntahan na nga lang si Braylee asan pala yun ngayon? Naglakad na ako palabas ng may napansin akong mga nagsisigawan kaya lumapit ako at nakita si---

BRAYLEE'S POV

"Hi Braylee." bati sa akin ni Jake.

"Hello." bati ko din sa kanya.

"Alam mo ba kung asan yung magaling mong kaibigan? " tanong niya.

"Si Irene? " tanong ko.

"Oo siya lang naman ang nakikita kong kasama mo eh." sabi niya.

"Hindi eh may class pa ata ngayon bat mo natanong? " tanong ko sa kanya.

"Miss ko na siya eh." sabi niya. Ayieeee....

"AYIEEEE miss niya daw si Irene oh.... haha." pang-aasar ko sa kanya. May sasabihin sana siya ng biglang---

"Hey B*tch! Two Timer! " biglang may nagsalita at... at... s-sinampal ako! The Heck!

"Yah what did you do to her?! " biglang sigaw ni Jake dun sa babae na ngayon ang sama ng tingin sa akin.

"Kailangan pa bang tanungin yan?! " bigla namang may nagsalita sa likod niya na kakadating lang at pagtingin ko... The Heck! Ang dami nila!

"Hoi Babae ka! Two Timer! " sigaw nung ibang babae.

"Walang hiya kang babae ka! Inagaw mo na nga si Ash pati ba naman si Jake?! " sigaw naman nung isang babae. Tapos nagsigawan na din lahat.

"Ano ba ano bang pinagsasasabi niyo?! " sigaw ko.

"Tumigil na kayo! " bigla ding sumigaw si Jake habang pinipigilan yung mga babaeng gustong manakit sakin. Ano bang pinagsasasabi nila? Hindi ko sila naiintindihan?!

ARAY! biglang may nagsabunot sa akin.

"Anong nangyayari dito?! " biglang may sumigaw teka... si Irene yun agad akong napatingin sa kanya na galit ang mukha.

"Kasi itong kaibigan mo ang landi! Nakuha na nga niya si Ash kinukuha pa niya si Jake! " sagot nung babaeng nanabunot sa akin. ANO DAW?! I-Inaagaw si Jake?! Huh?! Bakit naman nila nasabing inaagaw ko si Jake? Eh kausap ko lang naman siya eh.

"Ano bang pinagsasasabi niyo?!  " tanong ulit ni Irene.

"Inaagaw niya si Jake! " sigaw naman nung isang babae na nasa likod.

"Anong inaagaw hindi yan magagawa ng best friend ko! " sabi niya.

"Eh diba nagpapaligaw ka din kay Jake at kita ko sinagot mo siya! Two timer! Girlfriend ka na nga ni Ash tapos girlfriend ka din ni Jake?! " sigaw ulit nung babae. Hindi ko alam kong bakit ako naluluha dahil ba sinasaktan nila ako? O sinasabihan nila ako ng hindi totoo?

"Oh bakit ka umiiyak diyan?! " sigaw nung babae na nasa harap ko.

"Ano ba hindi siya girlfriend ni Jake! " sigaw ni Irene.

Mr. DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon