CHAPTER 14

172 5 0
                                    

A/N: Hi Guys I'm back! Sorry po kung late nanaman ang update ko. Pero sana magustuhan niyo po itong chapter. Enjoy!

Chapter 14: Protective

GLENN'S POV

Kasalukuyan akong nanood ngayon ng tv ng biglang tumawag si Ash.

ASH CALLING...

"Ano? " iritang tanong ko sa kanya.

"Pwede ka bang pumunta dito sa Fun Planet? " tanong niya. Aba kailan pa pumunta yang lalaking yan sa Fun Planet?

"Tol kailan ka pa natutong maglakad papunta diyan sa Fun Planet na yan? " pangloloko ko sa kanya.

"Glenn." tawag niya sa pangalan ko. Bakit ang seryoso nitong lalaking to?

"Oh bakit? " tanong ko.

"Pumunta ka dito sa Fun Planet nandito ako sa may entrance hihintayin kita. Bilisan mo." sabi niya at binaba na ang phone niya. Tsk ano ba kasing meron dun? Istorbo naman kasi!

FUN PLANET

Pagdating ko sa may entrance ng Fun Planet nakita ko kaagad si Ash.

"O? Ano na? " tanong ko sa kanya.

"Sumunod ka sa akin." sabi niya at lumakad papasok. Sumunod na lang ako sa kanya.

Naglalakad pa kami hanggang sa tumigil siya kaya tumigil din ako. May tinignan siya kaya napatingin din ako sa direksyon ng tinitignan niya.

"Nakikita mo ba yun? " tanong niya.

"Oo sila lang naman ang mga mortal nating kaaway ah. Ang 3 idiots lang naman." sabi ko. Oo 3 idiots ang tawag namin dun sa tatlong lalaking tinuro niya.

"Tulungan mo yung babae." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Babae? Bakit ko naman tutulungan? " tanong ko. Pagkatanong ko nun sa kanya tumingin ako dun sa babae. Nagpupumiglas ito pero ayaw bitawan ng 3 idiots.

"Basta sundin mo na lang ako. Tulungan mo yung babae." sabi niya. Tsk kapag siya ang nag-utos hindi na ako makaka-kontra pa.

"Oo na sige." inis kong sagot sa kanya at lumapit dun sa babae at sa 3 idiots.

BRAYLEE'S POV

Matapos gamutin ni Ash yung sugat ko kagabi hinatid na niya kaagad ako sa bahay namin. Naalala ko nanaman yung sinabi niya kagabi na hindi lahat ng magagaling at matatalino ay hindi gumagawa ng kalokohan. Anong ibig niyang sabihin dun?

"Hi Kheil Good Morning! " bati sa akin ni Irene. Kakarating ko lang kasi sa University.

"Hello! " bati ko rin sa kanya.

"Uhm... yung kahapon... sorry ah hindi na namin kayo nakasabay umuwi." sabi niya. Umiling lang ako at ngumiti sa kanya.

"Ok lang yun... nga pala bakit pala nauna na kayong umalis? " tanong ko. Na-curious kasi ako eh.

"Ahhh..." hindi na niya natapos yung sasabihin niya ng biglang dumating si Jake at inakbayan si Irene.

"Nahimatay kasi siya kaya inuwi ko na siya kaagad kaya nauna na kami sa inyo." pagpapatuloy ni Jake sa sinasabi ni Irene.

"Ganun nga." tanging naisagot ni Irene. Teka... may napapansin ako ah. Bakit hindi na naiinis si Irene kay Jake? Hmm. I smell something fishy. Ahaha.

"Uhm sige mauna na ako sa inyo maaga kasi ang first class ko. Sige Bye! " pagpapa-alam ko dun sa dalawa. Mukhang nagkakamabutihan na ah.

Pagkapasok ko ng room nagulat ako sa nakita ko. Si Ash... hawak hawak ng isa kong kaklase sa kwelyo niya at nakahandang suntukin si Ash. Ay hindi nasuntok na niya si Ash kasi meron ng dugong lumalabas mula sa bibig ni Ash. Yung mga iba ko pang kaklase nakatingin lang silang lahat sa kanila.

Mr. DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon