CHAPTER 21

137 11 0
                                    

A/N: Hi guys! Update nanaman po! Ngayong May ita-try ko po mag-update ng 1-2 chapters every week o kung kaya po kahit ilan XD Basta hintayin niyo na lang po mga updates! Magiging active po ako ngayong May! So ito po ang Chapter 21! Sana kiligin kayo sa AshLee couple kasi ako po kinikilig habang sinusulat ang chapter na to! ENJOY!

Chapter 21: Their Project

BRAYLEE'S POV

Pagkapasok ko ng room kanina para akong transferee ni wala man lang akong naka-usap. Galit pa rin sa akin si Irene. Si Ash naman ayun hindi na nga ako pinapansin. Iniiwasan na niya rin ako. Ano ba tong ginawa ko??? Akala ko nung hiniling kong lumayo kami sa isat-isa ni Ash sasaya ako na maiiwas ako sa bully. Pero mali ako maiwas man ako sa pangbubully hindi naman ako sasaya kapag wala ang isang taong naging kaibigan ko na. Oo inis na inis ako kay Ash pero sa lahat ng nangyari tinuring ko na din siyang kaibigan. Kay Irene naman akala ko maitatago ko yung katotohanan na ako yung binully nung isang araw. Pero hindi eh naalala ko na wala pa lang sekretong hindi nabubunyag. Na kahit pilit mong itago lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan.

Hayy nagdradrama nanaman ako baka mamaya may mga luhang tutulo nanaman sa mata ko.

Nasa garden ako ngayon at ginagawa ko na yung project sana naming dalawa ni Ash ewan ko kung paano ko to gagawin at kung paano ko ito ipapass kasi dapat yung partners ang gumawa at magpasa nito. Hayy bakit nangyayari sa akin ito?

"Hey! Braylee? " napatingin ako sa lalaking pinanggalingan ng boses na yun. Sa boses pa lang alam ko na kung sino siya.

"Ah Jake! Anong ginagawa mo dito? " tanong ko sa kanya. Oo si Jake nga.

"Uhm pinapahanap ka kasi ni Irene sa akin sabi niya ibigay ko daw sayo to baka kasi hindi ka pa kumakain." sabi niya sabay abot ng paper bag na dala niya. T-teka...

"G-galing kay Irene? " tanong ko sa kanya. Galing sa kanya? Pero bakit niya ako bibigyan galit siya sa akin eh.

"Oo galing kay Irene sabi niya ibigay ko daw sayo yan kasi hindi ka daw nakasabay sa amin kumain kasi ginagawa mo yung project mo." sagot niya. T-Thanks Irene.

"Ah ganun ba... sige salamat Jake pakisabi na lang din kay Irene thank you dito sa pagkain." sabi ko.

"Sure. So pano mauna na ako may gagawin pa din kasi ako eh. Bye! " sabi niya at kumaway na lang. Hindi pa siya nakakalayo ng tinawag ko ulit siya.

"Ah Jake! Sandali! " tawag ko sa kanya agad naman siyang humarap ulit sa akin.

"Hmm? May kailangan ka pa ba? " tanong niya.

"Ah wala na may itatanong lang sana ako sayo." sabi ko.

"Ah ganun ba? Sige ano yun? " tanong niya.

"Uhm... naka-usap mo na ba si Ash? " tanong ko sa kanya. Bigla ko kasing naisip na kailangan ko talaga siya para magawa tong project namin at para makapag-sorry na din ako sa kanya.

"Ah oo kanina lang bakit hindi pa ba kayo nagkaka-usap? " tanong niya. Tumango naman ako.

"Ahh bakit hindi mo siya kausapin? Narinig ko din na mag-partner kayo sa isa niyong project." sabi niya. Hayy naku Jake kung malalapitan ko lang sana siya para kausapin eh kanina ko pa ginawa.

"Ah oo itatanong ko din sana sayo kung nasaan siya. " tanong ko sa kanya.

"Ah ganun ba kanina kasi after namin mag-usap sinabi niya na didiretso siya sa office may pag-uusapan daw sila ng Principal." sagot naman niya.

Mr. DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon