CHAPTER 13

146 6 0
                                    

A/N: Hey Guys! Nakapag-update din sa wakas sorry po kung hindi ako nakakapag-update busy po kasi sa school at kakatapos lang po ng exam namin babawi nalang po ako ulit. Ito na po pala ang Chapter 13. Enjoy!

Chapter 13: Glenn

ASH POV

"Maglaro ka lang doon lang ako." sabi ko kay Braylee at umupo sa isang bench. Muntik na ako doon.

JAKE CALLING...

"Hello? " sagot ko.

"Ash hindi na ako makakasabay ihahatid ko na si Irene. Pakisabi na lang kay Braylee." sabi niya ng natataranta at binaba yung phone. Ano problema nun?

"ASH TULONG! " narinig kong sumigaw si Braylee. Tinignan ko naman siya. Sh*t.

BRAYLEE'S POV

"ASH! ARAY! BITAWAN NIYO NGA AKO! " sabi ko doon sa mga lalaking bigla na lang humila sa akin. Ano ba yan hindi niya ata ako narinig.

"ASH TULONG! " tawag ko ulit sa kanya nakita ko naman siyang napatingin sa akin. Aray.... angsakit ng pagkakahawak nila sa akin.

"Ano ba bitiwan niyo sabi ako eh." sabi ko ulit dun sa mga lalaki. Wala parin hindi parin nila ako binibitawan.

"Miss ano ba tinatanong lang naman pangalan mo ah bakit ayaw mong sabihin? " tanong nung isang lalaki. Tatlo silang lalaki pero yung dalawa nakahawak sa dalawang magkabila kong braso at yung isa naman na parang leader nila nasa harap ko.

"Ayaw ko nga sabi eh. At saka anong mapapala niyo sa pangalan ko? " tanong ko.

"Pakipot pa to eh sabihin mo na lang kasi." sabi naman nung isang lalaking nakahawak sa kaliwa kong braso. Ano ba yan... Ash asan ka ba???

"Ayaw ko nga sa--- " hindi ko natapos ang sinasabi ko ng may biglang lumapit.

"Narinig niyo naman sinabi niya diba? " may lalaking lumapit sa amin.

"Oh Glenn nice seeing you here. At teka hindi mo ata kasama yung gago mong master? " sabi nung leader na lalaki. Master? Anong master? As in yung parang pinagsisilbihan?

"Pasensya na kayo hindi ko siya kasama ngayon pero pasalamat kayo dahil hindi niyo na makikita ulit ang sikat ng araw kapag kasama ko siya." sabi naman nung lalaki na... Glenn daw?

"Haha. Sabihin mo sa master mo kapag natatakot siya sabihin niya. Madali naman akong kausap eh." sabi nung leader.

"Haha. Nakakatawa ka parin hanggang ngayon at saka pala nakalimutan ko baka pwede mo nang bitawan yang babaeng yan? " tanong nung lalaki.

"Sige pagbibigyan ka namin ngayon tutal di mo kami kaya eh. Sige alis na kami hanggang sa muli nating pagkikita Miss." sabi nung leader sa akin tapos dun sa lalaki. Tsk takot din pala eh... tapos alam niyo yung feeling na may nag-uusap tapos hindi alam yung pinag-uusapan nila? Nakaka-OP kaya yun.

"Uhm. Thank you nga pa-- " hindi ko na ulit napatapos yung sasabihin ko kasi paglingon ko sa gilid ko wala na yung lalaki. Sayang hindi man lang ako nakapagpasalamat. Tsk at isa pa nasaan na ba yung Ash na yun? Nakita niya ako kanina hindi man lang niya ako tinulungan. Ang sama pala ng ugali niya. Tsk.

"Oh ano nangyari sayo? "

*Pak*

SILENCE....

SILENCE....

SILENCE....

SILENCE....

"Uhm... s-sorry... A-Ash... h-hindi ko... s-sinasadya." WAHHHHHHHHHHHHH! Ano ba yan! Nasampal ko nanaman si Ash!!!! WAHHHHHHHHHHHHHHH!!!!

Mr. DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon