Kabanata 8

0 0 0
                                    

(Huli)

That was memorable. Hindi ko alam kung makakalimutan ko ba iyon o hindi. Buong buhay ko na yata babaunin yun. Tuwing na-aalala ko ang nangyari halos himatayin ako.

I paste the photo of Hunter and me on the small bulletin I have in my room. This is the photo where we had our fake married. I even put it in my treasure box inside the marriage certificate from Marriage Booth. Tig-isa kami nito ni Hunter. I just hope he didn't throw it away. Because that was the only last remembrance he has.

I've already decided now. I should forget the Ashley he knows. Nakilala lang naman niya ako nitong school fair. Kaya dapat hindi na niya ulit ako makita. Mas mamamatay ako sa kahihiyan at konsensya once na nalaman niya na niloloko siya. Although, I didn't purposely do that. Wala lang akong lakas na loob na makilala niya ako.

After the weekends, balik lesson na naman. Mas tumambak pa ang gawain dahil malapit na rin ang final exam namin ngayon first semester. Kaya mas naging okupado ang isip ko sa mga gawain. At thankful ako sa ganun. I don't want to think about Hunter anymore.

Pagnakikita ko nga minsan siya sa hallway o kaya dumadayo sa floor namin, mabilis na lilihis ako ng direksyon at magtatago.

Nagsimula na rin kami magprepare sa mga projects na kailangan to pass the requirements for our subjects. Lalo na ang pananaliksik namin. Kaya man naging busy kami sa sumunod na dalawang buwan.

Kunting tiis na lang naman para sa sem na ito. Dahil pagkatapos nito Christmas Vacation naman ang sunod. Kaya mas ginaganahan ko lahat.

"Bukas na ang final defense natin sa pananaliksik. Once na ma-approve ito ng mga panelists, mababawasan ang gawain natin. So I need your participation and cooperation," si Zid.

Tumango naman sila. Wala naman sila magagawa dahil leader si Zid sa pananaliksik. Besides, he's smart. Swerte na nga namin na kagrupo namin siya.

Palibhasa ang iba walang naaambag kundi contribution para sa print. Mapasali lang sa bibigyan ng grades. Ngayon lang talaga kailangan mag-aral para rito. Baka tanungin kami isa-isa tapos walang masagot. Sayang ang effort... Lalo na ni Zid.

"Jusko! Ang pagod maging estudyante!" reklamo ni Olivia.

Nasa garden kami kumain ng lunch. Ayaw ko naman sa Canteen kasi tambay dun si Hunter, makita pa ako.

"Are you done on your project in Earth Science, Jine?"

I shook my head before I eat my lunch.

"Hindi pa... Nagawan na namin ng study plan pero hindi pa namin nagagawa. Wala pa kasing materyal. Isa pa, walang masyadong time kasi mas inuuna ko ang ilang projects na ngayon week ipapasa. Next week pa naman kasi ipe-present yun." I answered.

Ngumuso siya at umungos.

"Ang swerte mo naman sa kasama mo. Sana all may Zid na gagabay."

Umiling lang at tumawa ako sa sinabi niya.

"Ikaw, Olivia? Swerte ka ba sa kasama mo?", balik kong tanong.

Umirap lang siya at hindi na nagsalita. I just laughed at her drama. Well, she's a partner with Chesca. Halos lagi kong naririnig ang reklamo ng babae sa sinasabi ng kaibigan ko. Kaya halos gusto na lang niya hindi isama sa project na gagawin sa Earth Science.

"Are you really want to stop seeing Hunter? Hindi ka ba nanghihinayang sa closeness you earn with him?"

I smiled sadly. Nanghihinayang... pero mas takot ako sa reaksyon niya. I really don't wanna disappoint him.

"I have to, Olivia. I don't want to make him feel disappointed. Hindi ko kakayanin kung makakaya ko ba..." Tears pooled my eyes. But I closed my eyes tightly to prevent it from falling.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 17, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Goddess' HatredWhere stories live. Discover now