◆ Chapter 2 ◆

497 27 12
                                    

Chapter 2: Itlog

Kaylee's Pov

Nanatili pa din akong nakaupo sa may sahig. Ang daming nagtitinginan sa akin. Bago pumasok yung iba, sisipain muna nila ako o kaya bubungguin muna sabay magtatawanan. Ang sakit lang.

May lalaki naman na nakablack ang suot lumapit sa akin. Ano sisipain nya ba ako o bubugbugin?

"Umalis ka nga sa daanan." Sabi nya. Ako naman umusod at umalis sa harapan ng pinto. Umupo ako sa gilid ng pinto habang niyayakap ang aking tuhod. At nilagay mukha ko sa tuhod ko. All I want is to cry now.

"Wag ka nga umiyak. Pumunta ka na sa klase mo. Nakakasagabal ka dito. Mukha kang pulubi sa ayos mo." Sabi nanaman ng lalaki. Tumingin ako sa kanya.

"Wala kang pakialam." Sabi ko.

"At ikaw pa ang may lakas ng loob ganyanin ako?" Sabi nya. Bakit sino ba sya sa tingin nya?

"Zaine! Tara na." Sabi ng kasama nya. So Zaine pala pangalan ng bwiset na toh. Tinignan naman nya ako at nagsalita.

"Umalis ka na dyan." Sabi nya at pumasok na.

Tss. Hindi ko naman sya tatay para sundin ko.

*KRIIIIIING*

Ring ng bell kaya nag ayos na ako. Tumayo ako at pinagpag suot ko. Hayys. Tama nga ata sya. Nagmumukhang pulubi na ako sa ayos ko.

Nandito pa din ako sa labas at natatakot pumasok. Kaya nanatiling lang ako nakasandal sa wall. Hihintayin ko na lang yung teacher.

Maya maya dumating naman na yung teacher.

"Oh bakit ka nasa labas!? Nagring na ang bell ah!? Gusto mo ba mapaguidance ka!?" Sigaw agad sa akin ng teacher kaya natakot ako bigla.

Tinignan nya suot ko at tinignan ang uniform. Nagulat naman sya nang makita yun.

"Uhmm.. so-sorry po m-mam." Sabi ko.

"Bago ka lang ba dito?" Biglang umamo mukha nya.

"O-opo." Sabi ko.

"Ahh. Di mo agad sinabi. Kala ko isa ka sa mga students na lumalabag sa rule. Oh bakit ka pa andito?" Tanong nya.

"Uhmm.. kasi po natatakot po ako pumasok." Sabi ko.

"Bakit naman?" Tanong nya.

"Kasi aawayin nanaman nila ako." Sabi ko.

"Bakit? Dito ba klase mo? Hindi ka ba sa 4GS?" Tanong nya. Umiling ako.

"Dito po klase ko. 4BS po yung section ko." Sabi ko. Napakunot naman noo ni mam.

"4BS ka?" Hindi makapaniwala na tanong ni mam. Gusto ko sana sabihin 'ay hindi mam kaya nga sabi ko 4BS po ako diba?' pero syempre di ko sinabi. Mapaguidance pa ako neto. Mukhang mataray pa naman.

"Opo." Sabi ko.

"Paano? Patingin nga ng paper mo." Sabi ni mam kaya nilabas ko agad yung paper at pinakita sa kanya.

"May bad records ka ba sa old school mo?" Tanong nya. Napakunot noo ko.

"Wala naman po. Bakit nyo po natanong?" Tanong ko.

"Ahh. Baka namali lang yung principal sa paglagay. Mamaya puntahan mo na lang sya." Sabi ni mam.

"Ahh.. okay po." Sabi ko.

"Sa ngayon dito ka muna. Wag ka mag alala. Nandito ako." Sabi nya. Napangiti naman ako.

"Thanks po mam." Sabi ko.

Wrong RoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon