◆ Chapter 8 ◆

338 25 2
                                    

Chapter 8: Weird

Kaylee's Pov

Tapos na ang ekection of class officers and yun nga ako ang vice president. -_-

Nagkaroon lang naman ng meeting yung mga class officers at pinauwi na kami agad.

Hays. Kasi naman eh. Buti kung secretary atleast sulat lang gagawin ko.

Ayoko pa naman ng vice president specially presdent tong si Zaine na toh. Sa pagkakaalam ko tamad pa naman yan. Ipapasa nya lahat ng gawain ng president for sure sa akin.

Aish. May magagawa pa ba ako?

Nandito ako ngayon sa classroom nag aayos pa ng gamit. Kaming tatlo na lang pala kami nila Cole at Zaine ang nasa loob. Naka alis na kasi yung iba.

Nga pala, speaking of Cole, may atraso pa sya sa akin.

Kaya naman pumunta agad ako sa kanya pagka ayos ng gamit ko.

Napatingin naman sua sa akin at guess what? Nakangiti ang loko.

"Hi Kaye! Nandyan ka pala." Sabi nya habang nakangiti pa.

"Wag mo nga akong tawaging Kaye. Di tayo close." Sabi ko. Yeah. Tiger mode ako diba?

"Sungit mo naman. Bakit ka nandito?" Tanong nya.

"Ano yung kanina ha. Bakit mo ko ninominate bilang Vice President?" Tanong ko.

"Ahh. Yun ba? Wala lang. Trip ko." Sagot lang nya.

"Argh. Ayaw ko pa naman maging vice president." Pagmamaktol ko.

"Eh ano pala gusto mo?" Tanong nya.

"Secretary." Sabi ko.

"Ahh. Eh yun naman pala bakit mo ko ninominate bilang secretary kung gusto mo pala yun?" Tanong nya.

Napaisip naman ako.

Oo nga naman, Kaye. Ang tanga mo din eh noh.

Argh. Ano ba yan. Bakit di ko naisip yun? Argh. Bahala na nga.

Nakita ko naman na tumawa. Kaya napakunot noo ko.

"Ano nangyari sayo? Baliw ka na ba?" Tanong ko.

"Ano? Ngayon mo lang narealize noh? Haha. Sorry ka na lang." Sabi nya at tumawa tawa pa. Aish. Kainis.

"Hmp! Kainis ka! Pinagsisihan ko na naging kaibigan kita!" Sabi ko at pinaghahampas pa sya.

Sya naman eto tuloy pa din sa pagtawa.

Nakita ko naman si Zaine na umalis na lang bigla.

"Oy pre! Wag mo akong iwan!" Sigaw ni Cole.

Si Zaine naman padirediretso lang.

Napatigil naman ako sa paghahampas ko.

"Magbest friends ba kayo?" Biglang tanong ko.

Tumingin naman sya sa akin.

"Bakit gusto mo malaman?" Malokong tanong nya.

"Nacurious lang. Parang kasi kung makipag usap ka sa kanya parang close kayo." Sabi ko.

"Ahh. Simula kasing bata pa lang kami magkaibigan na kami." Sabi nya.

Ahh. Kaya pala.

Napatango tango naman ako.

And wait.. kung magbest friends sila.. for sure pwede ako makakuha ng info sa kanya about Zaine! Tama.

"Uhm. Cole. May lakad ka pa ba?" Tanong ko.

Wrong RoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon