◆ Chapter 15 ◆

281 17 5
                                    

Chapter 15: Bad Boys meets The Nerds

Kaylee's Pov

It's Monday again kaya eto. Naglalakad na ako papunta sa bulletin board kasi dun sasabihin yung mga nakapasok sa club.

Hope makapasok kami.

"Hey Kaye!" Sulpot ni Cole.

"Yeah." Tamad na sabi ko. Everyday siya ganyan sa akin kaya minsan nakakasanayan ko na lang din.

"Nervous?" Tanong nya.

"Yeah."

"Don't be. For sure. Pasok tayo." Sabi nya kaya tinignan ko sya at tinaasan ko sya ng kilay.

"Syempre maganda boses ko eh." Sabi nya. Napairap na lang ako. Lakas ng confidence.

"Nagduet lang tayo sa kanta pero individual pa din ang pagpili." Sabi ko.

Kumibit balikat sya.

"Pero siguradong pasok tayo. Alam mo kung bakit?" Sabi nya.

Tinignan ko sya. Alam ko na ang sagot.

"Dahil sa magandang mong boses." Tamad kong sagot.

"Thank you. Pero hindi lang yun." Sabi nya.

"Dahil gwapo ka." Sabi ko.

"Oo naman. Pero may iba pa." Sabi nya.

Tinignan ko sya.

"Edi ano?" Tanong ko.

"Dahil magaling tayo." Sabi nya.

Okay. Hindi ko ineexpect ang isasagot nya pero napangiti ako.

"Kaya wag ka na kabahan." Sabi pa nya.

"Yeah right. Halika na. Tignan na natin kung pasok tayo." Sabi ko at nauna na kaya sumunod na din sya.

Masyado akong inaatake ng kilig cells ko. Baka mahalata pa nya. Nako. Mas lalo lang ako aasarin nun.

Kagabi kasi napagtanto ko na crush ko na sya. Well, gwapo naman talaga sya at mabait. Sadyang mayabang lang talaga at sobra sa kakulitan. Pero minsan, yung mga kulit nya sa akin di na nakakainis kundi nakakatuwa na. Pinapalabas ko lang syempre na naiinis ako para di nya mahalataan. Ewan ko ba sa sarili ko.

Pagdating namin ay tinignan ko agad ang list ng mga nakapasok.

Tingin. Tingin. Ayun!

Kaylee Autumn Garcia
Cole Dylan Campbell

"Kitams? Sabi ko sayo eh. Pasok tayo." Sabi ni Cole.

"Yeah. Right." Sabi ko.

"Yow pre! Nandito ka pala. Kanina ka pa namin hinahanap." Biglang sulpot ni Randy.

"Oo nga. Kasama mo lang pala si leader." Sabi naman ni Thor.

Para sa iyong kaalaman, leader pa din ang tawag sa akin ng dalawang yan dahil sa ako ang leader sa group project namin. Dun din kasi kami medyo naging close.

"Bakit nyo naman ako hinahanap?" Tanong ni Cole. "Si Zaine nasaan?"

"Di namin alam. Baka nasa tambayan nya nanaman." Sabi ni Randy.

"Ah. Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ni Cole.

"Wala lang. Bakit? Nastorbo ba namin kayo?" Tanong ni Thor.

"Oo. Nakakastorbo kayo. Wala ba kayong practice?" Sabi ni Cole.

"Wala. Wala kasi si couch kaya malaya kami ngayon." Sabi ni Randy.

Wrong RoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon