◆ Chapter 17 ◆

283 15 6
                                    

Chapter 17: New Problem

Kaylee's Pov

Nandito na ako sa school at naglalakad. Pinagtitinginan nga ako ng mga studyante eh dahil sa laki ng eyebags ko. Parang na akong zombie na naglalakad. Napuyat kasi ako kagabi. Hindi ako makatulog dahil sa kakaisip. Sa dami ng kailangan isipin eto ang naging resulta.

"Huy!"

"Ah!" Sigaw ko.

Nakita ko naman siyang tumawa. Kaya tinignan ko lang siya ng masama.

"Hahaha! Nangyari? Nagpuyat ka ba?" Natatawa nyang tanong.

Inirapan ko siya. Kainis. Siya ang may gawa nito kung hindi lang dahil dun sa lucky girl na yun. Nako.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Habang siya naman tawa pa din ng tawa. Psh. Tawa pa more.

Lakad lang ako ng lakad ng may sumalubong sa amin.

"Hi pre! Bakit may kasama kang zombie?" Sabi ni Randy kay Cole.

Tinignan ko naman siya ng masama.

"Sinong zombie, ha?" Sabi ko sa kanya.

"Woah. Leader. Ikaw pala yan. Bakit ganyan itsura mo?" Tanong ni Thor.

"Nagpuyat kasi. Hahaha!" Sabi ni Cole kaya tinignan ko siya at inirapan.

"Hahaha! Bakit?" Tanong ni Randy.

Aish.

"Wala! Psh." Sabi ko at inis na umalis.

Narinig ko pa silang tumawa. Bahala sila dyan. Kainis.

Kasi si Cole eh! Hindi ko maiwasan hindi isipin si lucky girl. Aish. Nakakainis. Bakit ko ba kasi yun iniisip?

Hindi ko na alam at nakarating na pala ako sa library.

Pumunta ako sa pwesto nila Sum at umupo sa tabi nila.

"Oh. Nakakagulat ka naman, Kaye." Sabi ni Sum ng mapansin niya ako.

"Nakabusangot mukha mo? Anong meron?" Tanong ni Paige.

"Nakakainis lang kasi sila Cole." Sabi ko at naghalumbaba.

"Bakit? Ano ba nangyari?" Tanong ni Sum.

Tinignan ko sila. Sasabihin ko ba? Aish. Baka asarin lang nila ako eh. Pero baka naman may mabigay naman silang sagot sa problema ko kaya sige na nga.

Kaya ayun. Kwinento ko sa kanila simula ng maging crush ko si Cole hanggang sa nangyari ngayon.

"OMG! Crush mo si-"

"Shh! Secret lang natin toh. Okay?" Sabi ko at tinakpan ang bibig ni Rea.

Kasi naman si Rea eh. Ang ingay. Baka may makarinig.

"Pero really, Kaye? Crush mo yun?" Tanong sa akin ni Paige na hindi pa din makapaniwala.

Tumango na lang ako.

"Well, it is not impossible na magkagusto ka sa kanya. Lagi naman kasi kayo magkasama kaya may possibility talaga." Sabi naman ni Sum.

Hmm. Tama nga si Sum.

"So, what is the problem?" Tanong ni Paige.

Napahalumbaba ako.

"Yun nga eh. Sa dami di ko alam kung alin ang dapat problemahin." Sabi ko.

Kumunot naman ang noo nila. Uh-oh.

"Dami? Madami ka bang problema na di mo sinasabi sa amin ha, Kaye?" Tanong ni Sum.

Wrong RoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon