◆ Chapter 9 ◆

385 26 3
                                    

Chapter 9: Club

Kaylee's Pov

Second week of school ngayon and still nothing changes. I'm beginning to get along with them. Unting unti na ako nasasanay sa kanila.

Kanina nung umaga na papasok ako sa room, may nakita akong dalawang lalaki nagbugbuggan sa harap ng pinto namin. Abay matinde. Di ba sila marunong mahiya?

Tapos ang malala pa? Nagchecheer pa yung mga kaklase ko. As in sinasabi pa nila "Go! Sige pa!" Mga ganyan. Ang tindi diba?

May pagkabaliw din pala sila. Icheer ba naman yung nagsusuntukan himbis patigilin. Diba? Diba?

Napailing na lang ako tuwing naalala ko yun.

Tapos nung klase, ang ingay nila. Nagkakagulo. As in abot sa kabilang school ang ingay.

Teacher namin? Ayun. Parang dedma lang. Parang wala syang naririnig. At parang sanay na din siguro sa kanila. Pero kahit na. Di nya dapat sila ispoiled. Tsk.

Paano ko kaya magagawa mission ko nyan pag mismo teacher ginaganyan nila?

"Hey Kaye. Nangyari sayo? Nakikinig ka pa ba?" Tanong ni Rea.

Bumalik ako sa katinuan ng pitikin ako ni Rea. Nagkwekwento kasi sya eh.

"Ha? Ay. Sorry." Sabi ko.

Kasama ko sila Sum, Rea at Paige sa canteen. Recess time na rin kasi.

"Ano ba iniisip mo?" Tanong naman ni Paige.

"Oo nga. Mukhang may malalim kang iniisip dyan eh." Sabi naman ni Sum.

"Ah. Wala toh. Wag nyo na lang akong intindihin. Medyo nag iisip lang tungkol sa klase ko." Sabi ko.

"Ah. Musta ka pala dun? Inaapi ka ba nila?" Tanong ni Sum.

"Oo nga. Lalo na yung Amanda na yun and her alipores?" Sabi naman ni Rea.

"Hmm. Sila Amanda naman nang iirap lang tuwing tinitignan nya ako pero the rest. Wala naman sila paki." Sabi ko.

"Ahh. Buti naman di nila ikaw sinasaktan." Sabi ni Paige.

"Yeah." Sabi ko.

"So, obviously wala ka pang kaibigan dun. It means mag isa ka lang pagating sa partners and groupings?" Tanong ni Rea.

"Hmm. About sa partners and groupings.. yep. Ako lang mag-isa. Kaya ko naman gawin yun ng mag-isa eh. Tapos yung sa kaibigan.. meron ako." Sabi ko.

Nagulat naman sila.

"Seriously!? Meron? Di nga?" Sunod sunod na tanong ni Sum.

"Sino? Tao ba yan?" Tanong naman ni Rea.

"Paano? At kailan?" Tanong naman ni Paige.

Ano ba mga toh. Sabay sabay pa kung magtanong.

"Guys. Wait. Huminahon muna kayo. Isa-isa lang pwede?" Tanong ko. Tumango naman sila at tumahimik.

"Good. So si Cole Dylan Campbell yung kaibigan ko. Paano? Nagmeet kami sa cafe after school nung first day. Bingyan nya ako ng frap. Eh yung time na yun gutom na gutom ako dahil wala akong kinain nung recess kaya ayun nung binigyan nya ako gumaan loob ko. Tapos tinanong nya kung friends na ba kami, dahil sa frap pumayag ako. Okay na?" Paliwanag ko.

Sila naman nakatulala.

"Si Cole?.. Seriously?.. Sya?.. Yung mayabang na yun?.. Makikipagkaibigan sayo?" Dahan dahan ni Paige tanong na parang di makapaniwala.

"Yap. Mayabang nga sya at makulit eh. Pero parang di naman sya masama." Sabi ko.

"Pero kasama pa din sya sa BS." Sabi ni Rea.

Wrong RoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon