BABAYLAN - ᜀᜊᜌ᜔ᜎᜈ᜔
Kabanata I - si maya
Lumaki si Maya namalapit sa kalikasan isang mabuting bata at matulinging tao. Sa kanilang pulo hinahanggaan sya ng lahat dahil sa taglay nitong ganda at kabusilakan ng puso. Sa kanyang pag laki ay unti unti nyang natutuklasan ang kanyang natatagong kakayahan at lakas nagagamit nya ito kadalasan sa pag tulong sa mga tao sa kanilang pulo at sa pang araw araw na gawain ng pamilya nya sa bukid at bahay.
"pinagpalang Umaga Maya!" Ang masayang bati sa kanya ng mga ibon "isang pinag palang Umaga din sa inyo" Ang nakangiting bating pa balik ni Maya sa mga ito habang itoy nag tatampo saw sa talon kung saan ito ang paburito nyang lugar dahil narin sa tahimik at madalang itong puntahan ng mga tao.
Napalingon si Maya sa likod nya nang biglang may kaloskos syang narinig Kaya dahan dahan syang umahon at kinuha ang telang panakip nito sa katawan "sino Yan?!" Ang matapang na tanong no Maya at tumingin sa palig pero isang kaloskos ulit ang kanyang narinig "mag pakita ka! Sinong nandyan?!" sigaw nya ulit at agad na pinulot ang isang kawayan at nag handa na para bang sasabak sya ng labanan "hindi ako natatakot sa iyo, mag pakita!" Ang sigaw ulit ni Maya maya maya pa ay biglang lumabas sa likod ng puno ang isang kulay puting usa na sugatan Kaya dali dali nya itong linapitan at kinandong sa kanyang hita nang ito'y matumba "mahabanging bathala... kaibigan anong nangyare sa iyo?" Ang mahinahong tanong ni maya habang hinahaplos nito ang lieg ng usa "k-kk-ka-away" Ang nauutal na sagot ng usa Kay Maya "kaaway? Sinong kaaway?" Ang tanong ni Maya dito "kaaway" Ang tanging buong lang ng usa habang ito'y ginang hina na "Kay lalim ng iyong sugat" Ang bulomg ni Maya nang mapag masdan nya ang sugat ng usa "kapit lang kaibigan pagagalingin kita" Ang sagot ni Maya.
Dahang dahang inilapat ni Maya ang kanyang mga palad sa malaki at malalim ng usa agad na nag liwanag ang nga palad ni Maya na para bang humawak sya sa isang sulo Kaya ito umiilaw. Nang mag hilom ang sugat ng usa ay agad nya itong binigyan ng tubig galing talon na agad naman ininom ng usa "salamat maya sa pag tulong hanggang sa muli nating pag kikita" Ang paalam ng usa kay Maya habang ito'y nagguluhan Kung papaano nalaman ng usa ang kanyang ngalan "sandali munting kaibigan Ano ang iyong ngalan at paano mo nalaman ang aking ngalan" Ang pag pigil ni Maya sa usa habang ito'y papalalis na huminto ang usa sa pag lalakad at nilingon sya nito "malalaman mo din sa tamang panahon Maya hindi pa ito ang tamang panahon" Ang tanging sagot ng usa Kay Maya.
"Kay buti mo munting diwata" ang buong nang usa tska ito tumakbo papalayo at nang malalayo na ang usa ay agad itong nag palit ng anyo bilang si magayon "mahal na bathala pagkakatignan mo ang inyong munting sugo" Ang bulomg ni magayon habang itoy nakatingala sa bughaw na kalangitan kasabay nito ang pag ihip ng sariwang hangin "Ang kanyang kadalisayan ay mistulang tubig sa dagat, malinaw at puro" Ang pag bungad ni amihan "mahal na diyosa" Saad ni magayon habang ito'y bahagyang nakayuko at nkahawak ang kanang palad nito sa kaliwang dibdib.
"Tama ang mahal na bathala na sya ang pinili ngunit nangangamba ako sa pag sapit ng tamang panahon diyosang amihan" Ang sagot ni magayon "wag kang mangamba magayon dahil malakas at matatag ang loob ni Maya, gagabayan sya ni bathala sa tatahakin nyang bugna" Ang mahinahong sagot ni amihan Kay magayon tska ito lumipad sa himpapawid.
"magandang Umaga Maya" Ang pag salubong sa kanya ng isang binata na may dalang isang kupos ng mga nag gaganda hang bulaklak "magandang Umaga din Pula" Ang nakangiting pag bati ni Maya sa binata "para sa iyo Maya pasensya kana kung pinitas ko nang walang paalam ang bulaklak sa tabi ng gubat ngunit pa palitan ko rin naman" Ang alanganing sabi ni pula "ayos lang pero siguradohin mong papalitan mo iyon Kung hindi magagalit ang diwatang si lakan bakod saatin sige ka" Ang pananakot ni Maya dito "ikaw talaga Maya mag aalay nalang ako mamaya sa mga anito" Ang sagot ng binata na kinatawa no Maya "ikaw talaga pula dika mabiro sige na at kailangan kopang ihatid itong nga gulay Kay inay" Ang paalam ni Maya Kay pula "sige salamat ulit Maya" Ang nakangiting paalam din ni pula Kay Maya.
"ina" Ang masaya g bungad ni Maya sa kanyang ina nakaagad namang kinatingin ni kuling at binaba nya ang bilao na nalalaman ng palayan na bagong ani ng ama ni Maya nasi Malaya "ina ito napala ang nga gulay na nakuha ko sa ating Tani an kanina" nakangiting pahayag ni Maya sa ina nito agad namang kinuha ni kuling ang malaking bayong kay Maya at tska ito inilapag sa papag nila sa labas "maraming salamat anak" pasasalamat ni kuling sa anak nito "itay " Ang masayang bungad ni Maya sa itay nito na bagong uwi lamang galing sa pag aararo ng kanilang taniman mabilis na yumakap rito si Maya na agad naman sinuklian ng ama nito "kamusta ang pag Punta mo sa gulayan anak?" tanong ng ama nito bago umupo sa tabi ng asawa "maayos naman po itay, may nakasalubong nga po akong isang puting usa na sugatan kanina kaya tinulugan ko" pag kekwento ni Maya dito Kaya nag katinginan na nag mag asawa na may halong pag aalala sa anak.
"lumalapit paba ang mga binata sa iyo anak?" Ang seryosong tanong ng ama nito, isa sa kinaayawan ng ama ni Maya ay ang mga vinatang nag tatangkang umakyat ng ligaw dito strikto sya kay Maya pag dating sa ganyan usapin, napakagat naman si Maya at na patingin sa lupa mistulang hinahanap nya ang tamang sagot para sa tanong ng ama nito "a-Ano kasi ama" nauutal na sagot ni Maya "sinusubukan kopong umiwas pero diko naman po kayang iwasan talaga sila ama, hindi naman po sa sumusuway ako ama diko po kasi Kaya na umiwas" Ang sagot ni Maya habang nangangamot pa ng ulo Kaya napabunyong hininga nalang ang ama nito "pero wala naman po akong balak na mag karoon ng irog ama ina" dugtong pa ni Maya tska tumabi at yumakap kay Malaya at kuling "ikaw talaga anak" Ang sabi ni kuling tska hinaplos ang mahabang at kulay itim na buhok ni Maya.
............................................................................
Suklang malayon/magayon - A sky goddess of the Visayans. She protects the households and brings them happiness.
Dyosang amihan - Amihan is a genderless deity that is depicted as a bird in the Philippine mythology. According to the Tagalog folklore, Amihan is the first creature to inhabit the universe, along with the gods called Bathala and Aman Sinaya. ... Amihan is also depicted with Habagat which explains the wind patterns in the country.
Lakan bakod/danum - Lakan Danum is the guardian of all forms of water in the world. Lakan Bakod, on the other hand, is the God of fences and guardians of crops, and Lakambini is praised for possessing both elegance and beauty. They are famous in the Pampanga region and among the Tagalogs.
Bugna - Tadhana
BINABASA MO ANG
BABAYLAN (BL HISTORY FICTION NOVEL)
Historical FictionSi Maya isang anak ng mag asawang mangsasaka sa Bayan ng Panay, nakatira sa isang simple at patak na bukid Kung saan sila nag sasama kasama ang lang mangsasaka sa kabilang pulo. Ngunit dumating ang araw na nasi Maya ay Napili upang maging isang bab...